"Pasing..." Si papa, mula sa bintana. "Hindi mo naman dapat ginaganyan si Kakay," malumanay pa rin na saad ni Papa. Nakita ko ang panandaliang pagkatememe ni Aling Pasing. Psh! Hanggang ngayon, bitter ka pa rin kay papa! "Wala namang alam ang bata para pagsalitaan at sigawan mo pa nang ganyan."
Lumapit sa akin si Kuya Gino na kararating lang din galing sa trabaho. "Oh, ayan..." Inabot ni Kuya ang pera sa mukhang buwaya naming kasera. "Pasalamat ka't kahit papaano ay may respeto pa ako sa inyo dahil kung hindi ay pinadugo ko na 'yang bunganga n'yo dahil sa sinabi mo sa kapatid ko." Hinawakan na ako ni kuya Gino sa kamay. "Pasok na tayo sa loob dahil may surpresa kami sa iyo."
Ngumiti ako kay kuya kahit pa tila pinipiga ang puso ko.
Alam ko namang pangit ako kahit hindi pa ipamukha at ipagsigawan ng kung sino man, eh.
Ang hardcore lang talaga nito ni Bakekang sa akin. Akala mo naman ay maganda!
"Aba't wala talaga kayong modo! Mabuti pa ngang umalis na kayo rito!"
Humarap si Kuya Gino sa kanya. Naglabasan na rin sila papa at ang dalawa ko pang kuya.
Hinawakan ko si Kuya sa braso para pigilan baka kasi kung ano'ng gawin niya gayong alam ko naman na hindi mga bayolente 'tong mga kapatid ko.
"Mas gugustuhin talaga naming manirahan sa bangketa kaysa sa araw-araw naming naririnig 'yang panlalait mo sa kapatid namin! Kung tutuusin ay wala kang karapatang manlait dahil nuknukan ka rin ng pangit!" bulyaw ni Kuya Gino kay Aling Pasing.
Ang totoo niyan, hindi naman s'ya matanda na talaga, 35 years old lang yata'ng edad. Mataba, pandak, maitim pero ang mukha nuknukan ng puti. Hinila ako ni kuya. "Pasok na tayo sa loob."
"Ayos ka lang?" Nakangiting tanong sa akin ni papa at kuya nang makapasok na kami. Nag-aalalang tingin ang salubong nila sa akin kaya hindi ko na napigilan ang umiyak.
"P-papa..." Yakap ko kay papa. Hindi ako umiiyak dahil malungkot ako. Umiiyak ako dahil masaya ako. Masaya ako dahil alam kong mahal na mahal ako ng pamilya ko sa kabila ng pagiging pangit ko.
"Gagong Pasing 'yan!" Si kuya Rick. "'Wag ka nang umiyak. Hayaan mo na 'yon dahil alam naman natin ang dahilan kung bakit mainit ang dugo sa atin noong babaeng 'yon." Kuya Rick tapped my back, inaalo ko. "Si papa kasi, binasted si Aling Pasing kaya ayan..." Tumingala ako kay kuya Rick.
Nakangisi s'ya. Maging ang dalawa kong kapatid at si Papa ay nakangiti kaya natawa ako.
"Hindi naman ako umiiyak dahil sa sinabi ng kahera natin, eh. Masaya lang talaga ako."
"May masaya bang umiiyak?" tanong ni Kuya Reymond.
"Oo naman! 'Yon ngang mga nanalo ng milyon sa mga tv shows, umiiyak dahil masaya kaya ganoon din ako. Daig ko pa ang nanalo ng bilyon dahil kayo ang naging family ko."
"Sus, nambola na naman ng prinsesa namin. Gutom ka na yata, eh?" Si papa. Tumango ako.
"Edi, ano pa ang hinihintay natin, tara na?" aya ni Kuya Gino na lumapit sa mga travelling bag namin na ngayon ko lang napansin.
"Ha? Alsa-balutan lang ang trip? Sa bangketa talaga tayo titira?" nabibigla kong tanong. Nanlalaki pa ang mga mata ko.
Oh, no!
"Bakit? Gusto mo pa ba rito?" tanong ni papa.
"Hindi naman. Kahit saan naman ay ayos lang sa akin basta kasama ko lang kayo." Kinuha ko na rin ang bag kong nakapatong sa upuan na kahoy.
Wala kaming masyadong gamit kaya hindi kami mahihirap sa dyip na mag-commute.
Sa katunayan, mga damit lang talaga ang mayroon kami dahil ayaw bumili nila kuya ng mga gamit dahil baka nga raw mahirapan kami kung sakaling umalis kami which is nangyayari na nga ngayon.
Tinapik ako ni Kuya Gino sa likod. "'Wag kang mag-alala. Kami na'ng bahala sa lahat. Wala kang dapat problemahin dahil bunso ka. Ang dapat mo lang gawin ay mag-aral nang mabuti."
Ouch... Natamaan naman ako roon.
Naalala ko na naman kasi ang perang nalustay ko dahil kay Paul! Peste talaga! Halos 2000 din yata 'yon! Kapal ng apog!
"Sorry, Kuya," sabi ko kay kuya
Nakukunsensya talaga ako sa mga ginawa ko nitong mga nakaraang linggo.
Nagpakatanga ako! Promise!
"You don't have to say sorry, okay? Wala kang kasalanan." Meron, kuya. Kung alam niyo lang... "Ayaw mo noon, makakaalis ka na rito?" Nginitian ko na lang si kuya.
Nagtataka man ay hindi na lang ako nagtanong. Nakasakay kami sa dyip ni Mang Kulas—kapitbahay namin s'ya at kaibigan ni papa.
Nakaramdam ako ng lungkot nang maalala ang iniwan naming lugar.
Naging malapit na kasi sa aming mag-anak ang ibang nakatira doon. Maging iyong mga tindera sa palengke ay kasundo na rin namin. Si Aling Pasing lang talaga ang shungangers! Parang tanga lang. Sabagay, bitter nga pala iyon kay papa.
Hindi n'yo kasi naiitatanong. Noon kasi ay naging malapit sa amin si Aling Pasing. Parati n'ya pa nga kaming dinadalhan ng ulam at iba pang mga pagkain. Minsan pa nga ay ayaw n'ya na kaming pagbayarin sa upa, tubig at kuryente pero hindi pumayag si papa, syempre.
Para kasing na-feel n'ya nang may something sa kanya si Aling Pasing kaya dedma na lang s'ya. Nagbago lang talaga ang lahat nang magtapat itong ex-kahera namin ng pag-ibig kay papa. Eh, si papa ay may pagka-choosy, binasted si Aling Pasing.
Ayon, simula noon, naging mainit na ang dugo n'ya sa amin lalo na sa akin. Ang beauty ko, wapakels, sila kuya at papa ang nagagalit pero pinipigilan ko na lang. Pero kanina, hindi na yata sila nakapagtimpi kaya ito kami, papunta sa kung saan.
Colored juice! 'Wag naman sanang sa bangketa kami tumira. Sira noon ang beauty ko.
Thirty minutes na yata kaming nasa byahe nang huminto kami sa gate ng isang sikat na subdivision.
Pwede bang mangupahan dito? Ang gara!
Sandali kaming huminto at kinausap ni papa ang guard bago kami umusad sa loob.
Namamangha talaga ako dahil first time kong makapasok sa loob ng isang subdibisyon. Palagi kasing sa gillage kami nakatira. Squatter's area.
"Dito tayo mangungupahan?" Natawa sa akin si Kuya Reymond. Ngumuso ako. "Bakit?"
"Ang ganda lang ng bunso namin." Huminto kami sa tapat ng malaking bahay. "Ayos lang ba na rito na tayo tumira?" Turo n'ya pa sa nasabing bahay.
"Si Kuya, niloloko na naman ako."
"Ano'ng kalokohan sa sinabi ko? Nagtatanong lang naman ako. Baba na tayo."