Cell phone

1728 Words
Pinagtulungan namin na ibaba ang mga gamit namin na hindi naman karamihan. Nang maibaba na lahat ay tsaka naman nagpaalam si Mang Kulas. "Ohh, paano, Roberto, mauna na ako?" "Kumain ka na muna, pare," alok ni papa sa kanya. "Hindi na, pare. Doon na lang ako sa bahay." "O, sige, salamat ng marami, ha?" Bumusina na lang si Mang Kulas at tuluyan nang umalis. "Ano'ng ginagawa natin dito?" Nasa labas pa rin kami ng gate ng malaking bahay. May kotse pa sa loob na mukhang bago. Not one, but 3! Sport car pa ang isa! "Dito na tayo titira, anak." "Po? Paano po nangyari 'yon?" Inakbayan ako ni Kuya Rick. "Pinag-ipunan talaga namin 'to. Ano'ng kwenta na may trabaho kami kung hindi ka man lang namin mabigyan ng permamenteng tirahan. Alam ko naman na napapagod ka na rin sa kalilipat. Gusto naming matamasa mo ang mga magagandang bagay sa mundo." Na-touch naman ako sa kuya kong gwapo. Suminghot na lang ako para hindi ako tuluyang umiyak. Nang makapasok kami ay mas lalo pa akong namangha! Kung maganda sa labas ng bahay ay mas maganda rito sa loob! Makintab ang sahig at maaliwalas ang kulay puting pintura ng loob. May mga paintings din na naka-display. Agad kong hinanap ang kusina. Kung hindi n'yo kasi naitatanong, eh, mahilig akong magluto at mag-bake. "Wow!" bulalas ko nang makita ang malaking kabuuan ng kusina. May nakasabit pa sa tilang lababo na nasa gitna na mga makukulay na kaldero at kawali. Binuksan ko ang double-door na refrigerator at tumambad sa akin ang punong loob nito. At ang lutuan namin. WOW! Hindi lang ordinary ang kalan namin kasi ang mayroon kami, 'yong kalan na may oven. Hindi ko nga lang alam ang tawag doon. "Nagustuhan mo ba, bunso?" Lumapit si Kuya Gino. "Dito na talaga tayo titira?" Tumango naman s'ya. "Mabuti naman at malapit lang 'to sa sementeryo, madadalaw kaagad natin si mama." Natameme muna si Kuya bago nagkamot ng ulo at pilit na ngumiti. "A-ahh, o-oo..." Ang weird lang ni kuya. May pautal-utal pang nalalaman. Marahil ay na-miss n'ya lang din si mama. "Mas malapit na rin 'to sa school mo kaya hindi ka na mahihirapan. Ihahatid ka na lang namin at susunduin." Oo nga pala may sasakyan na pala kami. "Pero, kuya, pwede n'yo naman na hindi na ako ihatid. Okay naman sa akin lalo pa't may mga trabaho rin naman kayo." 15 minutes na lang yatang lakaran ay makakarating na ako sa eskwelahan. Hindi katulad noon na inaabot ako ng isang oras sa paglalakad kapag walang sasakyan. "Gusto mo ng bike?" Napataas ang isang kilay ko sa tanong ni kuya. "Bakit, mayroon ka ba?" "Umakyat ka na roon sa kwarto at alamin ang sagot." Ginulo n'ya pa ang buhok ko. Ako namin si atat ay nagmamadaling umakyat. "Nakakapagod rin pala kapag malapalasyo ang bahay, hagdan pa lang, nakaka-ubos na ng taba," pagkausap ko sa sarili ko. Pero ang totoo talaga niyan ay excited akong makita ang room ko. "Wow!" nasabi ko na naman dahil mas namangha ako rito sa itaas. May anim akong nakitang mga pinto at may pinaka-sala pa sa gitna. May malaking portrait naming mag-anak at kasama pa si mama. "Ito 'yong graduation ko noong Elementary, ah?" Napangiti pa ako. Hindi pa kasi ganoon kalala ang hitsura ko. Payat pa ako at wala pang tigidig sa mukha. Cute pa tingnan sa akin noon ang hiwa-hiwalay kong ngipin. Nakangiti kasi ako sa picture habang tila nabibigatan sa nakasabit na mga medalya sa leeg ko. Those were the days. Iyon iyong mga panahon na kasama pa namin si mama at masaya pa kami. Umuwi talaga s'ya galing ibang bansa para lang makita akong maglakad sa entablado. Sali't-salitan sila ni mama, papa at kuya sa pagsabit ng medalya ko dahil ang dami kong awards noon. Mama... Itinigil ko na ang pag-alala dahil nalulungkot ako. "Saan ba rito ang kwarto ko?" "'Yong lavender ang pinto." "Papa?" Lumapit ako sa kanya at yumakap. "Maraming salamat, papa." Hinaplos n'ya ang likod ko. "Na-miss mo ang mama mo?" "Sa lahat po ng oras." "K-kung ..." Ramdam ko ang paggaralgal ng boses ni papa. "Kung kaya ko lang ibalik ang panahon, anak. Ginawa ko na lang sana ang dapat ko sanang gawin." "Papa, hindi naman natin kailanman mapipigilan ang kamatayan, eh. Kaya 'wag mo nang isisi sa sarili mo ang lahat. Alam naman namin na nalulungkot ka rin. Ang mahalaga naman, papa, ay ginawa mo ang lahat para sa amin." "Salamat, anak. O, s'ya, magbihis ka na para makakain na tayo. Bumaba ka na lang." "Sige po." Pagpasok ko sa kwarto ko ay panibagong pagkamangha na naman ang naramdaman ko. Paano ba naman kasi, ang laki ng kwarto ko! May sarili akong tv; malaki ang kulay lavender kong kama; maging ang kulay ng kwarto ko ay lavender din na may kulay puti. Binuksan ko ang pinto sa loob ng kwarto ko. "Yes! May sarili akong banyo! Malaki pa at... " Hindi ko talaga naiwasan ang mapatili at magtatatalon sa tuwa. "May bathtub ako! Yehey!" Lumabas na ako ng bathroom at pumunta sa built-in closet ko. "Yay! Ang dami kong damit at sapatos! Thank you, Papa Jesus!" Nagbihis na ako at nagmamadaling pumunta sa komedor. Lahat ng paborito kong pagkain ay nasa lamesa. Pizza, pasta, litson manok, pritong manok at may barbeque na ulo at paa ng manok at may iba png pagkain na hindi ko kilala. "Ang dami namang pagkain?" "Syempre, parang selebrasyon na rin natin 'to dahil bagong lipat tayo, eh. May ice cream pa sa ref kaya kumain ka lang nang marami." Kumain kami nang kumain habang nagkekwentuhan. Masaya tlaga ako, hindi dahil sa bago naming buhay kundi dahil magkakasama kami. "Ano'ng gusto mong ulam bukas? Ipagluluto kita para makapagbaon ka rin." Nagbulontaryo na si Kuya Rick. Hindi n'yo kasi naitatanong, chef si kuya sa isang restaurant. Kaya nga ako mahilig sa kusina at lumubo ng ganito dahil kahit papaano ay hindi kami hikahos sa pagkain. "Kahit ano, kuya, padagdag na lang para mabigyan ko si Philip at Maru." "Bakit hindi mo papuntahin dito ang mga kaibigan mo?" Si Kuya Reymond. Ang pagkakaalam ko ay sa call center nagtatrabaho si kuya kaya halos umaga na s'ya kung umuwi. "Sige, kuya, bukas. Total ay Friday na naman. Kung papayag ang dalawa ay dito na lang din sila matutulog." "Sige. Mag-text ka kung tuloy para makapaghanda tayo ng makakain n'yo." "Susunduin kita bukas," saad ni Kuya Gino. Isa s'yang pulis. Wala pa s'yang anim na buwan sa serbisyo kaya naman pangungupahan lang talaga ang kaya namin dati. Halos isang taon din kami sa inalisan naming lugar. Lipat kami nang lipat ng bahay dahil naghahanap kami dati ng murang paupahan kasi ang dalawang kuya ko pa lang ang may trabaho noon. Si papa naman ay suma-sideline lang sa isang vulcanizing shop. "Baka gusto mong gumawa ng cupcakes, bunso. May raw materials diyan." "Sige, pa, para mabigyan ko ang dalawa kong kaibigan at si Mang Luz." "'Yong tindera sa canteen n'yo na mabait sa iyo?" "Opo, doon ako umuutang kapag nagamit ko ang pera ko sa biglaang activities." "May utang ka ba sa canteen n'yo?" Tumango ako. "Oo, kuya. Isang libo pa yata mahigit." Mahilig kasi akong kumain tapos masasarap pa ang luto ni Manang Luz. Nahinto lng talaga ako sa pagkaadik ko sa pagkain dahil kay Paul. Napasimangot na naman ako nang maalala ko na naman ang hudiyong 'yon. Bad trip ang peste! "Bayaran mo na bukas lahat ng utang mo. Mamaya bibigyan kita ng pera," saad naman ni papa. "May ibibigay rin kami mamaya sa iyo," sabay pang saad naman ng tatlo kong kuya. Matapos naming kumain ay naghugas ako ng pinggan at inasikaso ang paggawa ko ng cupcakes. Dahil may strawberry at iba pang prutas, iba't-ibang klase ang nagawa ko. Naglagay ako ng anim na cupcakes sa bawat isang lalagyan bago ko binigyan sila papa at 'yon ang kinain nila habang nanood ng tv. Ako naman ay umakyat na sa kwarto ko at naligo. Gusto kong i-try ang bathtub. Matapos maligo ay nag-study pa ako ng lesson ko. "Magtitino na ako, promise ko 'yan sa iyo, mama. Gusto kong maging proud ka sa akin." Patulog na sana ako nang may kumatok sa kwarto. Si Kuya Gino. "Patulog ka na ba, bunso?" "Opo." "Ayos na ba sa iyo itong kwarto mo?" "Ano ba naman pong tanong 'yan, kuya. Syempre naman po. Kumportable dahil malamig." "Mabuti naman kung ganoon. Ohh, ito." May iniabot s'ya sa aking paper bag. "Pinaghatin namin 'yang apat para mabilhan ka ng bagong cellphone. Alam kasi namin na pinagtatsagaan mo na lang 'yong cp mo at ilang beses nang pinaayos." Totoo ang sinabi ni kuya. Mahigit apat na taon na kasi sa akin ang cp kaya dispanghilado na. Ilang beses na ring ipinaayos at pinalitan ng battery. Wala namang problema sa akin kahit outdated na dahil huling regalo sa akin ni mama 'yon. "Okay naman kahit hindi n'yo ako binilhan dahil nagagamit ko pa naman. Mahalaga rin kasi sa akin ang luma kong cp dahil si mama ang nagbigay. Pero salamat dito, kuya. At least hindi masisira nang tuluyan ang luma kong cp. Itatabi ko na lang para may remembrance pa rin ako galing kaya mama." "Hmm," sagot n'ya lang at hinalikan ako sa buhok. "Matulog ka na, bunso. May pasok ka pa bukas. Goodnight." "Goodnight, kuya." Nang lumabas si kuya ay saka ko tiningnan ang cp. Bagong labas lang ang model nitong cp kaya alam kong mahal ang pagkabili nila. Nasa 60k yata! Naalala ko na. "Ito 'yong cp na tinitingnan ko roon sa may estante na bentahan ng cp noong nakaraang linggo, ah?! Ang swerte ko talaga sa kanila." Napangiti ako habang nasa kamay ko ang naturang gadget. Kinuha ko ang dati kong cp para kunin ang sim card. Wala naman akong balak makipag-text kahit kanino. Ililipat ko lang talaga ang sim sa bago kong cp. "'Wag kang mag-alala, kahit hindi na kita gagamitin ay aalagaan pa rin kita kahit pa hindi mo kasing bongga 'tong bago kong cp," pagkausap ko pa sa luma kong cp. Ayoko talaga s'yang itapon. Sa ganda man kasi ay wala, sa ala-ala naman ay sariwa. Humiga ako at nag-pray. Thank you, Lord, sa blessings! Natulog akong may ngiti sa mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD