Kanina pa naghihintay si Zandre sa bahay. Kanina pa siya nauna mula sa lamay at inip na inip na siya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang dalawa. Saan na naman kaya binitbit ni De Dios ang dalaga. Napipika siya, hindi niya maintindihan kung bakit naiinis siya kapag nakikita niya na magkalapit ang dalawa. Kapag lalapat ang mg kamay ng binata sa dalaga ay para sinisilihan ang kaniyang pang-upo at tila gusto niyang balian ng buto si De Dios. Kaya nga heto siya, minabuti na lang niya ang maunang umuwi dahil baka mamaya ay kung ano pa ang magawa niya. Wala siyang karapatan and he f*****g knows that, pero ano ba ang magagawa niya kung naiinis talaga at kumukulo ang dugo niya. Panay ang tingin niya sa orasang pambisig, gabi na at wala pa rin ang dalawa. Kung hindi lang niya alam na iisang b

