Napanganga si Akino at napaatras sa ibabaw ng kama nang makita si Z na isa-isang hinuhubad ang mga damit nito. Napalunok pa siya nang tumambad sa mga mata niya ang matipuno nitong pangangatawan. Ang kalamnan nitong putok na putok sa masel. Makinis at walang mababakas na kahit anong marka. Bigla siyang nahiya, hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng ganoon dahil lang sa perpektong kinis ng balat ng lalaki. Akmang tatayo siya nang pigilan siya nito. “Where are you going?” saad nito sa kaniya. Bago pa siya makahuma ay nakakubabaw na ito sa kaniya. “Scared?” “Why would I? Are we doing something scary?” tumawa ito dahil sa sinabi niya habang nasa ibabaw niya. Suot pa nito ang pantalon nito pero parang kinapos na siya ng hininga dahil sa lapit ng mukha niya sa katawan nito. Magsasalita

