“Daddy?” Ngumiti si Lena sa anak habang palipat-lipat ang tingin ng bata sa kanilang dalawa ni Kelvin. Sa wakas, bago man lang sila lumabas ng ospital ay nasabi na rin niya sa anak ang katotohanan tungkol sa ama nito. “Yes, baby. He is your real Daddy,” maluha-luha niyang saad sa anak. “He is my real daddy, mommy?” ulit ng anak niya sa sinabi niya. Umupo si Kelvin sa tabi ng bata at binuhat ang maliit nitong katawan at ipinatong sa mga hita nito. “Yes, young man. I'm your real daddy. Don't you like me?” “No! I like you... I like you to be my real daddy. Daddy doesn't love me. He hits me and throw me off the c—” Hindi pa man natatapos ng bata ang nais nitong sabihin ay nag-umpisa na naman itong umiyak. Their son suffered from post-traumatic stress disorder, at kapag inaatake ang bata

