“Hello my dear wife!” Halos lumabas ang puso ni Lena sa kinalalagyan nang bumulaga sa harapan niya ang lalaki. Nakangisi ito na animo'y isang taong may sira ang ulo. Nakasuot ito ng doctor's outfit habang pinapaikot sa daliri nito ang isang baril. At bago pa siya makabawi sa pagkabigla at makahingi ng saklolo. Nawalan siya ng ulirat nang ihampas ng lalaki ang hawak nito na baril sa ulo niya. Humampas ang ulo niya sa lababo bago siya bitbitin ng lalaki palabas. Nang magkamalay siya ay buhat siya nito ba parang sako ng bigas at kasalukuyan na silang nasa labas ng ospital. Nasa gilid niya ang isang stretcher na sa hinala niya'y siyang ginamit nito para mailabas siya nito sa lugar. “Bitawan mo 'ko, James! Ano ba? Hayop ka talaga, napakahayop mo anong kasalanan sa iyo ni Calvin, ha!” sigaw

