Epilogue “Labs! Bilisan mo! Malilate na tayo sa simbahan! Kapag tayo hindi naka-attend sa kasal ng bestfriend ko, lagot ka talaga sa akin,” reklamo ko. Naka-ayos na kasi ako lahat-lahat samantalang siya naka-topless parin sa harapan ko at ngayon pa lang magbibihis ng tuxedo niya. “Mas excited ka pa sa ikakasal no,” naiiling na sabi niya sa akin. Pagkasuot niya ng tuxedo ay saka naman niya inayos ang buhok niya. Tinulungan ko na nga rin siya sa bowtie niya eh. “Syempre naman, kasal kaya ‘yon ng best friend ko.” “Eh ikaw? Excited ka rin ba sa second wedding nating dalawa?” tanong niya habang nakatitig sa akin. “S-Syempre naman!” namumula kong sagot sa kanya. Simula nung nagpropose ulit sya sa akin doon sa mismong concert niya, hindi na nawala ang ngiti sa labi ko. Simula din noong ar

