Chapter XXVII Tumakbo ako. Literal. Pagkatapos niya ako kamuntikang halikan, tumakbo ako dahil pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin naman kasi malaman kung ano ang pumasok sa utak ko para bumigay sa kanya. Kung hindi ko pa inisip ng maayos at naalala si Keith, hindi ko siya mapipigilan at sigurado akong mahahalikan na naman niya ako sa ikalawang pagkakataon. Idagdag pa ang katotohanang pumayag ako. Iniisip ko pa lang ang mararamdaman niya ay nalulungkot na ako. Hindi dapat ganito at mali rin kung tutuusin. I like Keith. That’s the truth. Kaya nga ako nagpaligaw sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko siya nang higit pa sa kaibigan. Kaya bakit ganito? Am I having doubts with my feelings towards him? Pero matag

