Chapter XLIX “Talagang magpapakipot ka pa?” tanong sa akin ni Ryuu. “Hindi tawag ang pakipot doon!” giit ko. “Eh kung hindi, bakit gusto mo pang ligawan kita? Hindi naman tayo nagbreak diba?” “I broke up with you remember?” sabi ko sa kanya habang inaalala ang mga masasakit na salita na binitawan ko sa kanya noong huli. “But I didn’t agree with you.” “Kahit na! I still said those words,” giit ko. “At saka kaya ko ito ginagawa hindi dahil sa nagpapakipot ako or what kundi dahil gusto kong makita ang effort mo pagdating sa akin,” paliwanag ko sa kanya. “Pero kung ayaw mo, then forget about it. Hindi ako babalik sayo kaya magsimula ka na maghanap ng ibang babae.” Bumuntong-hininga siya. “Pwede ba ‘yon? Hindi ko nga makita ang sarili ko na hindi ka tumatandang kasama eh,” saad niya s

