Naalimpungatan si Kevin na may humapalos sa kanyang pisngi. Dala ng kalasingan at panlalabo ng mata, isang pigura ng babae ang bumungad sa kanya. “Mariana…” Hinatak nya ito sa braso, nangudngud ang babae sa kanyang dibdib at mabilis ang kilos na nakapag-palit sila ng pwesto. Nakaibabaw na sya sa babae at matinding panannabik ang nagtulak sa kanyang upang siilin ito ng malalim na halik. Umungol ang babae, yumapos ang braso nito sa kanyang leeg at napasbunot ito sa kanyang buhok ng paglakbayin nya ang kamay sa nakalantad na hita nito. Bumaba ang mga labi ni Kevin sa panga ng babae. “Ohhh… Kevin, honey. Go on…” Natigila si Kevin ng mapagtanto kung sino ang babaeng hinahalikan nya. Kumurap-kurap ang kanyang mata t inabot ang switch ng lamp shade. Si Victoria na pikit na pi

