“Hindi ko talaga matanggap!” hinaplos ni Magda ang kanyang dibdib na nagsisikip. “Baby… tahanan na. ang importante nakita mo na ang kapatid mo…” pangaalo ng asawang si Evan sa kanya. “Hinde eh! Hindi ko matanggap na mas maganda pa sakin ang kapatid ko! Eh putsa parehas kaming uhugin nung araw nito eh!” Todo masahe naman si Evan sa balikat nya na animoy isa syang boxer na lalaban sa ring. “Shhh… baby ang boses mo. Baka magising ang kapatid mo. Alam mo naman kailangan nya ng sapat na lakas. Isa pa…” lupimat si Evan sa kanyang harapan at itinaas ang kanyang mukha. “Para sa akin ikaw ang pinaka-maganda.” Sabay halik nito sa labi nya. Dahil sa ginawang iyon ng asawa ay napangiti na si Magda. Alam nya na naman yon sa sya ang pinakamaganda sa paningin ng asawa nya kahit pa ganoon

