Namilog ang mga mata ni Mariana ng iladlad ni Magda ang isang dress na itim, maiksi ang harapan nito at mahaba naman ang likuran. Nangingislap ang damit dahil sa mga batong nakakabit roon kaya hula ni Mariana ay hindi basta-basta ang halaga ng damit. Makitid ang yari nito na kakapit sa buhog ng katawan. “Ate, sobrang ganda nyan! Isukat mo na at siguradong bagay na bagay sayo iyan.” Hinaplos-haplos pa nya ang malambot na tela. Nasa kwarto sila ng kapatid nya. Tinawagan sya nito kanina habang nasa Resto Bar sya at sinabing doon dumersto sa kanila. Pinabigyan nya ang kapatid. Doon na rin sya matutulog dahil wala syang pasok kinabukasan. “Tingin mo?” tanong nito. Tumango sya at tumabi sa kapatid na nakaupo sa kama. “Saan mo gagamitin yan?” “Hindi ako ang gagamit nito Maria

