“Kuya Macky si Mariana. Mariana, kuya ko si Macky.” Tulalang iniabot ni Mariana ang nakalahad na kamay ng lalaking nag-ngangalang Macky. Hindi nya inaasahan ang paghalik nito sa likod ng kanyang palad. “Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa gabing ito Mariana.” Sabay ngiti nito na nagpalaba sa perpektong mga ngipin nito. “S-Salamat, Macky.” Nauutal na sabi ni Mariana na hindi maihiwalay ang tingin sa mukha ng lalaki. Maya-maya pa ay isang gwapong lalaki na namana ng lumapit sa pwesto nila, mukhang lasing na ito dahil sa pamumula ng mukha. “Loves, pakilala mo naman ako sa magandang babae na yan.” Loves? Bakit tinawag nitong Loves si Macky. Humalakhak si Macky. “Loves, this is Mariana. Magda’s sister and Mariana this is Steve my partner.” Napabuga ng hangi

