“Sigurado ka na ba sa disisyon mo Mariana? Sana magbago pa ang isip mo, nagyon pa lang kita nakakasama ng matagal eh…” naluluhang sabi ni Magda sa kanya. Marahan nyang hinagod ang likod nito. “Ate, babalik naman ako. Na-miss ko lang kasi talaga ang simpleng buhay sa probinsya. Isa pa kailangan ko ng matubos ang lupa kay Mr. Bagumbong. Ipapaayos ko din ang bahay namin ni Tyang doon at kapag pwede ka ng magbyahe, dalawin mo ako minsan.” “Paano ang pagaaral mo?” “Kapag nakakita ako ng magandang university sa probinsya, doon ko na lang muna ipagpapatuloy. Wag ka ng umiyak ate, dadalasan ko naman ang pagpunta dito eh lalo na kapag nanganak kana. Sana maintindihan mo ako ate Magda, di ko lang maamin sa inyo pero apektado pa rin ako sa nangyari sa amin ni Kevin at sa mga nalaman ko.

