Nanigas ang likod ni Mariana nang magisnan ang lalaki sa kanyang harapan.
Nakaupo ang lalaki sa isang silyang de gulong. Ngunit hindi lamang ito basta nakaupo, kundi matikas rin ang pagkakaupo. Tuwid ang likod nito at nakalapat ang dalawang kamay sa mga hita. Mayroon itong mahabang itim na buhok na kung kakalasin mula sa pagkakatali sa likod ay malamang na umabot ng hanggang balikat. May kalaparan ang noo nito, ngunit binagayan iyon ng makapal naman nitong kilay, matangos na ilong, katamtamang kapal ng labi, prominenteng panga na may kagaspangan dahil sa papatubo na nitong balbas. Ngunit ang umagaw sa kanyang atensyon ay ang mga mata nitong bughaw na maipaparis sa kulay ng langit at karagatan. Napapatungan ito ng may katamtamang haba ng pilikmata.
Tuwid lang ang tingin nito at walang mababakas na kahit anong emosyon ang mukha.
“Alam kong may tao riyan,” mahina ngunit may katigasan na sabi nito.
Kahit ang boses ng lalaki ay naghatid sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Ngunit ang mas ikinagulat nya ay ang sinabi nito. Hindi ba sya nakikita nito? Samantalang ilang hakbang lamang ang layo nya sa lalaki at malinaw rin ang kanyang nakikita na tutok ang paningin nito sa kanya.
“Bulag ako. Hindi ba halata?” muling sabi nito sa mababang tinig, at iniikot na ang gulong ng inuupuan upang sya ay talikuran.
Sandaling namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa, kaya naman sya na ang bumasag noon.
“Aherm! A-ako po si Mariana Jose, ang bagong katulong. Kayo po, sino?” lakas loob nyang tanong. Baka naman kasi napadaan lang naman pala ang lalaki at hindi naman talaga taga-roon. Wala rin namang nabanggit ang mayordoma sa kanya na bulag at pilay ang kanyang kakatagpuin sa kwartong itinuro sa kanya.
“Kevin Dreweyn. Makakaalis ka na.”
“Ho? Teka, pinapauwi nyo na ho ba ako? Hindi ho ba ko tanggap? Kasi galing pa ho akong probinsya, Ser. Try nyo ho muna ako. Masipag ho ako at magaling sa trabaho,” kabado nyang sabi. Nalintikan na, mukhang uuwi sya ng luhaan.
Umalis ng pwesto ang lalaki at lumapit sa lamesa nito. May pinindot itong button na kulay pula. Katahimikan na naman ang namayani. Maya-maya ay pumasok ang matandang katulong na naka-unipormeng asul. Ito rin ang matandang nagpatuloy sa kanya sa bahay na ito kanina. Inakay na sya nito palabas ng pinto at dinala sa kusina, na syang ipinagtaka nya dahil ang inaasahan nya ay sa gate sya nito ihahatid. Hindi na sya nakatiis at kinausap na ang matandang mayordoma.
“Manang, baka ho may pera kayo kahit magkano. Di ko ho kasi akalain na hindi ako matatanggap dito. Wala ho akong kamag-anak dito, at saka pamasahelang po papunta rito ang dala ko.”
Lumingon naman ang matanda sa kanya at ngumiti nang ubod ng tamis. Inilapag nito sa kanyang harap ang isang basong juice at tinapay na mukhang masarap.
“Huwag kang mag-alala, iha, tanggap ka. Mamaya ay sasamahan kita sa magiging silid mo.”
Halos maibuga nya ang juice na iniinom. “Eh ang sabi ho ni... Kevin ata yon... makakalis na raw ho ako.” Bahagya syang tinapik ng matanda sa kanyang braso.
“Iyon ang magiging amo mo. Mabuti pa ay ipapaliwanag ko na sa iyo ang trabaho mo.”
>>>>
Nakahiga na si Mariana sa kanyang kama at nakatitig sa kisame ng kanyang silid. Solo nya lamang ito. Maayos ang silid kumpara sa dati nyang tinitirhan sa probinsya. May isang bentilador, lamesang maliit sa tabi ng kama at aparador para sa kanyang gamit. Ngunit mayroon iyong dalawang pinto. Ang isa ay labasan, at ang isa naman ay nakarugtong sa kawarto ng kanyang among si Kevin.
“Master” daw ang nais ng amo na itawag nya rito. Mahigpit daw nitong bilin na ayaw nito sa mga taong maiingay ang bibig at pakialamera, pati na nagmumura. Hindi raw pala-salitang tao si Master. Ang nais daw nito ay palagi syang nasa tabi nito kapag ito ay gising, at makakaalis lang kapag naman tulog na. Biniro pa sya ng matanda, na nakilala nya sa pangalang Nanay Bebeng, na ihanda na raw nya ang sarili dahil siguradong mapapanisan sya ng laway. Palagi lang daw kasing nakikinig ang lalaki ng musika gamit ang headset.
Ngunit may isang bagay syang ikinawindang. Sya raw kasi ang dapat na magpaligo kay Master. Ngunit sa pagdumi naman ay wala raw syang dapat ipag-alala. Hanggang doon na lamang ang sinabi ng matanda at pinangunahan na sya nito,
“Iha, kung balak mong itanong kung bakit nagkaganoon si Master ay huwag mo nang tangkain. Sa akin na lamang iyon. Dahil mahigpit ang bilin nya na hindi maaaring sabihin sa kahit sino ang nangyari sa kanya. Kundi ay pare-parehas tayong mawawalan ng trabaho.” Yun lang at inihatid na sya ni Nanay Bebeng sa kanyang silid.
Napaiktad sya nang tumunog ang telepono sa kanyang ulunan. Agad nyang nasapo ang kanyang dibdib dahil sa gulat. Napamura sya nang wala sa oras nang maalalang bawal nga pala ang magmura. Sinagot na nya ang telepono sa pangatlong tunog nito.
“Come here,” sabi ng baritonong boses sa kabila, sabay putol ng linya. Naiiling na lamang nyang tinunton ang pinto na kanugnog ng kwarto ni Master.
“Sa susunod, isang tunog pa lamang ng telepono ay sagutin mo na agad,” bungad ni Kevin sa kanya pagpasok.
Hindi nya maiwasang mapatulala na naman sa mukha ng lalaki. Ito na yata ang pinakagwapong nilalang na nakita nya sa buong buhay nya. Simple lamang ang suot nito, puting T-shirt na V-neck at cotton na panjama. Napapitlag sya nang bigla na lamang itong sumigaw.
“Huwag mo akong titigan!” sabay bato nito ng hawak na baso.
Napahawak sya sa kanyang bibig dahil sa pagkagulat. Tila lahat ata ng dugo nya sa katawan ay umakyat sa kanyang ulo. Sa inis ay padabog na dinampot ang nabasag na baso. Sa ginawa ay nasugatan sya at dumaloy ang masaganang dugo mula sa kanyang kamay. Halos magkanda-tili sya sa sakit.
“Tanga!” muli na naman nitong sigaw.
“Pwede wag kang sumigaw!? Akala ko ba bawal magmura? Nasugatan na nga ko, sasabihan mo pa ko ng tanga!” ganting sigaw nya.
Huli na nang pumasok sa kanyang isip ang pagsagot sa kanyang Master. Nakitang nyang nagdilim ang mukha nito at kumuyom ang mga palad. Sasaktan kaya sya nito? Pero paano? Hindi naman sya nito mahahabol kapag tumakbo sya, at malabo rin yon dahil bulag ito. Napailing sya. Sayang, ang gwapo pa naman, kaso ang sama naman ng ugali.
Ayaw namang maampat ng dugo sa kanyang kamay. Nilingon nyang muli si Master. Hindi naman sya makikita nito. Hinubad nya ang suot na kamiseta at ibinalot sa kanyang kamay na duguan. Hindi naman na muli pang nagsalita ang lalaki at nakatuon na lamang ito sa kanya na tila nakikita sya. Tinignan nya ito ng matalim. Todo hubad sya, eh baka naman nakakakita pala ang lalaking ito at naglalakbay na ang mga mata sa kanyang malusog na dibdib.
Tumayo sya at lumapit dito. Lumuhod sya sa harapan ng lalaki at ikinaway-kaway ang kamay sa harap ng mukha nito.
“Anong ginagawa mo?”
“Chine-check ko lang baka, nakakakita ka pala eh.”
“Hinde. Pero nararamdaman kong nasa harap kita.”
Itinaas nito ang isang kamay at kinapa ang kanyang mukha. Numaba ang kamay nito sa kanyang leeg. Namilog ang kanyang mga mata nang mas bumaba pa ang kamay ng lalaki at nahawakan ang pisngi ng kanyang dibdib na nababalutan lang ng kanyang bra. Bumagal ang paghaplos nito at ramdam nya ang init ng palad ng lalaki. Tila natulos sya sa kanyang pagkakaluhod.
“Babae ka pala talaga,” sabay ngisi nito nang nakakaloko.
>>>>
Nagpabaling-baling si Mariana sa kanyang kama. Dalawa ang gumugulo sa kanyang isipan. Ang una ay ang kanyang Master na nung ngumisi sa kanya kanina ay tila sya nakaramdam ng kakaibang init sa buong katawan. Napaka-sexy at gwapo nito sa ganoong gawi. Inihilig nya ang ulo at pumikit nang mariin. Lumitaw sa kanyang isip ang pangalawang gumugulo sa kanya, ang kanyang nobyo. Labis labis ang kanyang pangungulila sa lalaki.
Muli na namang nagtubig ang kanyang mga mata. Sana ay malaki ang maitulong sa kanya ng pagluwas nya ng Maynila. Itutuon na lamang nya ang kanyang buong atensyon sa kanyang Master. Minabuti na lamang ni Mariana na pilitin ang sarili sa makatulog kahit pa namamahay ang kanyang pakiramdam. Mahuhulog na sya sa pagkakahimbing nang tumunog na naman ang telepono sa kanyang ulunan. Isang malalim na buntong-hininga muna ang kanyang pinakawalan bago tumungo sa silid ng kanyang Master.
Hindi nya akalain na may ilalaki pa pala ang kanyang mga mata nang madatnan ang kanyang Master na nakatayo gamit ang tungkod at tanging tuwalya lamang na nakatapis sa may ibaba ng bewang ang tumatabing sa katawan nito. Diretso lamang ang tingin nito.
“Naiinitan ako. Gusto kong maligo,” saad nito sa mababang tinig.
Nangingnig ang mga kamay na iginaya nya ito patungo sa banyo. Nang makarating doon ay tila nananadya ito dahil ito na rin mismo ang nagtanggal ng nakatapis na tuwalya sa katawan. Upang pigilan ang pagtili ay naitakip ni Mariana ang dalawang kamay sa kanyang bibig, nandidilat pa rin ang mga mata. Saan nga ba sya eksaktong nagulat, sa ginawa ng lalaki o sa katotohanang posible pala talaga na magkaroon ang isang lalaki ng ganoon kalaking p*********i?
“Tititig ka na lang ba? O baka gusto mo nang umpisahan ang trabaho mo.”
Itutuloy...
Please Like and Follow <3