Chapter 2

1483 Words
Ang naging eksena sa banyo ng kanyang amo ay dahilan ng magdamag na pagkabukas ng isip at diwa ni Mariana. Hindi na sya muli pang dinalaw ng antok. Ramdam nya pa rin sa kanyang palad ang tigas ng bawat kalamnan ni Master.   “Paano nya kaya nagagawa yon?”   Gustuhin man nyang mag-usisa kung papaano nito napanatili ang ganoong katawan sa kabila ng kapansanan ay hindi na lamang nya ginawa. Nasa rule na bawal syang mag-usisa sa buhay ni Master. Ngunit marami syang katanungan. Mayaman naman ang lalaki. Ginawa na kaya nito ang lahat, gaya ng pagpapatingin sa mga espesyalista, para mapabuti ang kalagayan nito? Wala na kayang pag-asang gumaling ang kanyang Master?   Madaling lumipas ang mga araw. Unti-unti nang nasasanay si Mariana sa kanyang trabaho, kahit pa madalas ay nawiwindang pa rin siya sa mga nangyayari. Napaka-bugnutin at palaging naka-singhal sa kanya ang amo. Hindi na sya nagtataka kung bakit walang katulong o taga-alaga nito ang tumatagal.   Araw ng Linggo at sinabihan sya ni Manang Bebeng na iyon ang araw ng kanyang pahinga. Minabuti nyang bumaba ng bayan at mamili ng kaunting damit at pares ng panloob.  Pumara sya ng tricycle, at doon ay nakatabi nya ang isang aleng may katandaan na. Nakasalamin na ito at banat na banat ang noo dahil sa pagkakapuyod ng buhok. Nginitian nya ang matanda, at ganon din naman ang iginanti nito sa kanya.   “Ikaw ba ang bagong katulong sa mansyon, ineng?” sabi ng matanda nang hindi sya nililingon.   “Oho.”   “Aalis ka na rin ba gaya ng iba?”   “Ho? Naku hindi po. Wala lang ho akong gawa ngayong araw ng Linggo. Naisipan kong maglakad-lakad ng bayan.”   “Ah... akala ko aalis ka na. Wala kasing tumatagal dyan. Demonyo nga kung tawagin yung lalaking amo riyan. Bahay bakasyunan lang noon ang malaking bahay na yon. Dalawang taon na ang nakakaraan nang may tumira. At ang sabi-sabi, yung lalaki raw eh anak nung mag-asawa na nagpagawa ng bahay na yon. Lahat ng nag-aapply doon bilang katulong eh umuuwing luhaan at hindi mga nagtatagal. Masakit daw magsalita yung among lalaki. Ewan ko lang kung totoo na nananakit,” litanya ng matanda.   “Ganon ho ba? Eh bakit daw ho ba nagkaganon si Mas -- si Sir?”   “Ewan ko lang huh. Ang sabi-sabi, nalumpo at nabulag daw iyon dahil sa aksidente kasama ang asawa at anak. Namatay ang mag-ina nya.”   Huminto na ang tricycle at sabay na silang bumaba ng matanda. Tinapik lang sya ng matanda sa braso at dumiretso na ito sa loob ng pamilihang bayan. Dahil sa mga nalaman ay biglang nakaramdam ng awa si Marian kay Kevin. Mabigat naman pala ang pinagdaraanan ng huli. Hindi nya ito masisisi kung mas pinili man nitong maging bugnutin at mailap sa mga tao. Ang tanong, totoo naman kaya ang kwento nung matanda? Naiiling na lamang syang nagpatuloy sa paglalakad. Halos magtatakip silim na rin nang sya ay makauwi sa mansyon.   >>>>    Siyang-siya si Mariana na pinagsusukat ang bra na kanyang pinamili. Medyo hirap talaga syang makahanap ng nararapat na bra sa kanya. Sa size nyang 36, cup B, kapag gusto nya ang disenyo ay hindi naman kasya sa kanya. At kapag naman kasya sa kanya ay pang-maedad naman ang hitsura. Bakit kaya ang laki ng kanyang dibdib, eh balingkinitan naman ang kanyang katawan? Malapad din ang kanyang balakang, taliwas sa makipot nyang bewang.   Eksaktong naikawit nya ang hook ng kanyang bagong bra nang tumunog ang telepono sa kanyang mesa.   “I need water. Now!”   Yun lang at nawala na agad ang nasa kabilang linya. Napairap na lamang sya sa kawalan. Ang buong akala nya ay pahinga nya ngayon. Bumili pa naman sya ng mga pocketbook. Naengganyo syang bumili dahil sa bagsak presyo. Doble ang iminura kesa sa totoong halaga.   “Akala ko pa naman makakapagbasa ko maghapon. Naku! Tirisin kita eh!” bulong nya.   Muli na lamang nyang isinuot ang sleeveless nyang dress. Dumaan na muna sya sa kusina at kumuha ng isang pitsel ng tubig at isang baso, at saka tinungo ang kwarto ng kanyang amo.   Nadatnan nyang tuwid na nakaupo ang lalaki sa kama nito, at ang kalahati ng katawan ay nababalutan ng kumot. Ipinatong nya ang tubig sa mesa at lumapit sa amo. Inayas nya ang unan upang makasandal ito nang maayos at saka sinalinan ang baso ng tubig.   “Magandang gabi po, Master.”   Hindi ito kumibo.   Pinagmasdan nya si Kevin. Kung titignan ang lalaki ay mukha itong anghel. Gwapong anghel. Nakalugay ang mahaba nitong buhok. Tila nanuyot din ang kanyang lalamunan nang sundan nya ng tingin ang pagtaas-baba ng Adam's apple ni Kevin dahil sa paglagok nito ng tubig.   “Aherm... Master, gusto nyo po bang masahihin ko yung mga binti nyo?” Try lang ba kung papayag.   Sandaling nahinto ang pag-inom nito sa baso. Bumaling ang mukha sa kanya na animo'y nakikita sya, saka tumango. Pinilit nyang sinupilin ang ngiti sa kanyang labi.   >>>>    Marahan nyang nililis ang kumot sa kabilang bahagi ng kama. Naka-panjama si Kevin. Naupo na sya sa gilid ng kama at nag-umpisa nang igalaw ang kanyang kamay. Tumaas baba ang kanyang palad sa hita at binti ni Kevin. Dama nya ang matigas na kalamnan ng amo.   “Sabihin nyo lang po ako kung nasasaktan kayo, Master.”   Pinag-igi nya ang kanyang ginagawa at naisipang iangat ang ulo upang makita nya ang reaksyon ng amo. Baka nasasaktan na pala ito o napapangiwi... o nakikiliti. Nakikiliti raw?   Nahugot ni Marian ang kanyang hininga nang magtagpo ang mga mata nila ng amo. Nakatitig lang ito sa kanya, partikular sa kanyang mukha. Minsan ay gusto na nyang magduda. Sa tuwing titingin kasi sya sa mukha ng lalaki ay palagi nya itong nakikitang nakatitig sa kanyang mukha.   Bulag kaya talaga si Kevin? Buti sana kung titig na tagusan, yung tipong sa malayo talaga nakatingin, kaso hindi. Parang nanunuot at pinapasok nito ang kaloob-looban ng kanyang katawan sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga mata.   Hindi na nya nagawang ihiwalay ang kanyang mga mata sa mga asul na matang iyon. Nahinto na rin ang pagmamasaheng ginagawa nya sa binti ng lalaki. Haggang sa napagtanto nyang walang patutunguhan ang pakikipagtagisan nya ng titigan rito, dahil una sa lahat ay sya lamang naman ang nakakakita sa kanilang dalawa. Muli syang yumuko.   “Bakit ka tumigil?”   Halos malakas lang sa bulong na usal ni Kevin, na ikinagulat nya. Taliwas kasi iyon sa gawi nito na palaging nakasigaw. At tama ba ang nahimigan nyang boses ng lalaki? Halos walang pinagkaiba sa pagkapaos at... at tila nang-aakit?   Tumayo sya mula sa kama at lumipat ng pwesto. Mas lumapit sya kay Kevin. Hindi nya hiniwalayan ng tingin ang lalaki. Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok nito na humaharang sa gwapo nitong mukha.   “Minsan gusto ko nang magduda kung bulag ka nga talaga, Master.” Sa kanya ba nanggaling ang boses na yun? Halos hindi nya rin makilala ang sariling tinig. Inaakit nya ba si Master? Nakaramdam sya ng hiya sa sarili, at sa amo na rin. Baka kung ano kasi ang isipin nito sa kanya.   Tatayo na sana sya nang hawakan ni Kevin ang kanyang braso upang pigilan. Umalis ito sa pagkakasandal at mas inilapit pang maiigi ang mukha sa kanyang mukha. Nararamdaman na nya ang mainit nitong hininga sa pumapaypay sa kanyang mukha.   “The truth is... nakikita kita, at alam ko kung gaano ka kaakit-akit ngayon, Mariana.”   Gulat ang unang naramdaman ni Marian, ngunit mas nabigyan nya ng pansin ang tila ba bolta-boltaheng kuryente na dumaloy sa kanyang katawan dahil sa pagbulong na ginawa ni Kevin sa puno ng kanyang tainga.   “Na-nakakakita k-ka?”   “Gaya ng sabi ko, hindi ako bulag. I'm partially blind. Hindi kasing linaw ng nakikita mo ang nakikita ko.”   “Kung malabo lang pala ang mata mo, bakit hindi ka magsalamin?” naguguluhan nyang tanong.   Nakakakita naman pala ang amo, malabo nga lang. Putcha, anong trip nito? Kung tutuusin ay marami itong bagay na pwedeng gawin mag-isa at hindi na nangangailanagn ng tulong ng iba, tulad na lamang ng pagligo.   Mariing naipikit ni Mariana ang kanyang mga mata, at ramdam nya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Ibig sabihin ay nakikita pala sya ng amo kung papaano nya titigan ang katawan nito sa tuwing pinapaliguan nya ang lalaki. Kung papaano maglakbay ang kanyang mga mata sa matipuno nitong katawan at sa p*********i nitong...   “Lumalabag ka na sa patakaran, Mariana.” Sa pagkakataong iyon ay tila naramdaman ni Marian ang pagtama ng dila ni Kevin sa kanyang tainga.   Otomatiko syang napatindig at napaatras.   “Ah... Master... ga-gabi na. Ma-mag-pahinga na po kayo.”   Muli naman nang sumandal ang amo sa headrest ng kama. Tinungo na rin ni Marian ang bandang paanan ng higaan nito upang muling takpan ng kumot ang mga binti ng lalaki. Sa kagustuhang maging komportable at ayos na ayos, plinansta nya nang paulit-ulit ang kumot gamit ang dalawang kamay. Hindi nya sinasadyang masayaran ang harapan ni Kevin, at doon nya nahaplos ang isang matigas na bagay. Nanlaki ang mga mata ni Mariana, at nakita nyang nagtagis ang panga ni Kevin at dalawang beses din na lumunok. Dinig nya rin ang paghugot nito ng malalim na paghinga.   “Labas!”   Napatalon sya sa lakas ng sigaw ng amo. Dire-diretso nyang tinungo ang sariling silid.   Muli, hindi na naman dinalaw ng antok si Mariana nang gabing iyon.   Itutuloy... Please Like and Follow <3  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD