Chapter 3

1580 Words
Panay ang sulyap ni Mariana sa orasan. Iyon ang mga oras na tatawag ang amo nya para magpatulong na sa pagligo. Ngunit lagpas treinta minutos na ay hindi pa rin sya nito pinapaakyat.   Palakad-lakad lamang sya sa kanyang silid. Kagabi pa nya natapos ang mga pocketbook na nabili nya sa bayan noong day-off nya. Mag-uumaga na naman kasi nang dalawin sya ng antok dahil nga sa nangyari kagabi.   “Hindi kaya dahil alam ko nang hindi sya bulag kaya hindi na sya nagpapatulong  sa pagligo? Tama! Dahil nga siguro don. Pero bakit naman sya mahihiya sakin? Trabaho ko yun. Isa pa, wala na rin naman syang maitatago dahil nakita ko na rin. Urgh! Ano ka ba naman, Mariana!”   Tinuktukan nya nang dalawang beses ang ulo. Kung anu-anong pumapasok sa utak nya, pati buong katawan ng amo ay inaalala pa nya. Pero sa totoo lamang ay iyon ang unang beses na nakakita sya ng hubad na lalaki. Ang naging nobyo nya na si Ruben, ni minsan ay hindi nya nakitang hubad, maliban na lamang kapag nagsasaka ang lalaki at naiinitan. Hinuhubad nito ang damit pang-itaas lang.   Napalingon sa pinto si Mariana nang may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto.   “Mariana... Mariana...”   Si Nanay Bebeng ang bumungad sa kanya. “Magandang umaga po,” bati nya rito.   “Hindi ka pa ba mag-aalmusal iha?” nakangiting sabi nito.   Lumamlam ang mga mata ni Mariana. Naaalala nya ang Tyang sa mayordomang nasa kanyang harapan.   “Hinihintay ko po ang tawag ni Master.”   “Naku, iha, maagang umalis si Kevin, kasama ang hipag nyang si Victoria. Ipinasyal sya ng babae.”   Nakaramdam ng saya sa puso si Mariana. “Maiigi naman po, Nay Beng, na pumapasyal pala si Master paminsan-minsan. Makakabuti po sa kanya yon.   Hindi nakaligtas sa kanya ang pangangasim ng mukha ng matanda.   “Naku, iha, nasisiguro ko na napilitan lang ang batang yon. Makulit kasi iyong si Victoria.”   Naglakad na ang matanda at sumabay na rin naman si Mariana. Binaybay na nila ang daan patungo sa kusina. Pagkaupo ay nilapagan kaagad sya ng matanda ng tinapay na may keso at kapeng umuusok pa.   Hindi mapakali si Mariana. Gusto nyang usisain ang mayordoma tungkol sa kalagayan ng mga mata ni Kevin. Kikibot-kibot ang kanyang  katawan mula sa pagkaka-upo. Sa tuwing magtatama ang mga mata nila ng mataanda -- na abala sa pagsawsaw ng tinapay sa kape -- ay naglilihis sya ng tingin.   “May gusto ka bang sabihin, iha?” sita nito sa kanya.   “May gusto po sana kong itanong. Ang kaso... bawal ho kamo mag-usisa sa buhay ni Master,” nahihiyang sabi nya, sabay yuko.   Natawa naman si Nanay Bebeng. “Napakagaan ng pakiramdam ko sa'yo, iha. Sa tingin ko ay napakabuti mong bata. Natitiyak kong magiging lihim ang ano mang sabihin ko sa'yo tungkol sa batang iyon. Ano ba ang gusto mong itanong?”   Napataas naman sya ng tingin sa mayordoma. Tipikal na matanda ang hitsura nito, at unang tingin pa lamang ay masasabi nang mabait. Maliit na babae lamang si Nanay Bebeng. palaging nakapuyod ang buhok nito at naka-mahabang  saya. Bilog ang suot nitong salamin, ngunit kapansin-pansin ang mga mata nitong parang palaging nakatawa.     Napakamot sya sa batok. “Eh kasi po, Nay, si Master... bahagya po pala syang nakakakita.” Bumakas ang gulat sa mga mata ng matanda. Nagtaka naman si Mariana. “Hindi nyo po ba alam, Nay?”   “Alam ko. Ang kaalaman mo ang ikinagulat ko. Anong ginawa mo at ipinagtapat sa'yo ni Kevin ang bagay na yon? Sa lahat ng naging katulong ng batang yon ay sayo nya lamang sinabi na nakakakita sya kahit kaunti.”   “Wala naman po akong ginawa. Kusa nya lang pong sinabi,” kunot noong sabi nya.   May nagawa nga ba sya? Binalikan nya ang mga pangyayari. Minasahe nya ang amo. Tinitigan sya nito at sinabing... napapikit sya nang mariin. Di kaya dahil sa suot nyang damit kahapon? Si Master talaga oh, kahit naman malabo ang mga mata ay nakuha pang aninagin ang kaakit-akit raw na hitsura nya.   “Nay, sinusubukan po ho ba nyang ipagamot ang mga mata nya? O kaya po baka sakaling makuha pa sa pagsasalamin.”   “Ewan ko ba sa batang yon. Kung ano man ang dahilan ay sya lamang ang nakakaalam.”   Hindi na muli pang kumibo si Mariana.   Dahil mukha namang magtatagalan ang kanyang Master sa pamamasyal ay nagpresinta na lamang si Mariana na mamalengke. Kasama nya rin naman ang driver -- bilang taga-buhat -- at si Nanay Bebeng. Hanga si Mariana sa matandang mayordoma. Matalas pa ang memorya ng matanda, at malakas pa rin sa kabila ng katandaan. Magiliw din itong  magsalita sa mga tindera, kaya naman malaki ang nakukuha nilang bawas sa lahat ng pinamili.   Hindi rin naman naiinip si Mariana dahil napaka-daldal ni Nanay Bebeng. Itinuro ng matanda sa kanya ang pasikot-sikot sa palengke at ang mga dapat bilhan na suki na ng matanda. Hanggang sa makauwi sila ng tanghalian ay wala pa rin si Kevin.   Tumulong na lamang si Mariana sa paghahanda ng tanghalian. Matapos non ay kung anu-ano pa ang kanyang ginawa upang malibang lang ang sarili. Sa totoo lamang ay mas gusto nya iyon. Kapag kasi naroon si Kevin at hindi sya masyadong naglalalabas ng kwarto hangga't hindi sya ipinapatawag ng lalaki. Minsan lang din sya makatulong kay Nanay Bebeng dahil ang gusto ni Master ay dito lang sya nakatutok.   “Mariana, napakaganda mo namang dalaga,” sabi ng driver na si Mang Berting. Kwarenta anyos na ito, pero matikas ang pangangatawan.   Nagkakamay lamang ito sa pagkain. Hapunan na at sabay-sabay silang kumain sa kusina.   “Naku, Berting, bata pa yang si Mariana ha.”   “Nanay Bebeng naman, alam nyo naman hong may nagmamay-ari na ng puso ko, si Misis.”   Nangingiti lamang si Mariana sa usapan ng dalawang matanda. Mabait naman si Mang Berting at sadya lang talagang palabiro.   “Pero totoo yun, Mariana, napakaganda mo ngang bata. Para kang hindi galing ng probinsya. Palagay ko eh may ipuputi pa iyang balat mo,” may paghangang sabi ni Nanay Bebeng.   “Naku, Nay, Manong, baka naman po mamihasa na ko nyan sa pamumuri nyo,” nahihiya nyang sagot.   Maya-maya pa ay nakarinig na sila ng tunog ng sasakyan.   “Nariyan na siguro si Kevin.”   “Nandyan na yung alaga mong bugnutin,” kantyaw ni Mang Berting.   Pinandilatan naman ni Nanay Bebeng ang pobreng driver.   >>>>   Dahil hindi naman na ipinatawag si Mariana ng kanyang Master mula nang dumating ito ay sumama na lamang muna sya sa silid ng matandang mayordoma. Sabay silang nanood ng matanda ng mga drama sa TV.   Maganda ang palabas, ngunit wala roon ang kanyang atensyon. Nasa among hindi nya nakita sa buong maghapon ang kanyang isip, at sa babaeng si Victoria. Hipag daw ito ng lalaki. Sa isip ni Mariana ay napakabuting tao naman ni Victoria upang sadyain talaga si Kevin at ipasyal ang bayaw.   Nang makita nyang naka-pikit na si Nanay Bebeng ay sya na ang nagpatay ng TV. Marahan nyang kinumutan ang matanda at lumabas na sya ng silid.   Bago tinungo ang silid ay dinaanan nya ang kwarto ng amo. Bukas pa ang ilaw doon, base sa sinag sa paanan ng pintuan. Hindi na sya nag-abalang katukin ito at dumiretso na lamang sya sa sariling silid. Naghahanda na si Mariana na mahiga nang may lumagabog sa kwarto ni Kevin. Nakiramdam lang sya.   Muling tumahimik ang paligid. Nanatiling gising ang buong sistema ni Mariana. Maya-maya ay tunog naman ng isang bagay na nabasag ang narinig nya. Hindi na sya nagdalawang isip at tumaas na sya sa kwarto nito kahit hindi sya tinatawag ng amo.  Binundol ng matinding kaba ang dibdib ni Mariana.   “Kevin!” pabalibag nyang binuksan ang pinto.   Hindi agad naka-bawi si Mariana sa nasaksihan. Tila napako ang kanyang mga paa sa sahig at diretso ang tingin sa dalawang taong magkapatong sa sahig.   Nakaupo si Kevin sa sahig at nakasandal ang likod sa paanan ng kama. Sa paligid nito ay nagkalat ang bote ng alak at may basag pang baso. Nakakandong naman sa kanyang ang isang babae at nasa magkabilang gilid ng hita ni Kevin ang mga hita ng babae. Wala na itong pang-itaas. Ang amo naman ay ganon din. Parehas sabog ang buhok ng dalawa.   Nasaksihan nya ang dalawang mapusok na naghahalikan.   “What the... who’s this b***h?!” sigaw ng babae.   Hindi ito magkandatuto sa pagtatakip ng dibdib na nakalantad.   “Mariana, ikaw ba yan?!” sigaw din ni Kevin sa kanya. Hindi na ito nag-abalang lingunin sya. Tumayo naman na ang babae matapos maisuot ang damit.   Akma sanang lalapitan ni Mariana si Kevin upang tulungang makalipat sa kama, ngunit sinenyasan sya ng babae.   “Ako na. Sino ka ba?” tanong nito habang inaalalayan si Kevin makaupo sa kama.   “Mariana.”   “Ah, sya ba yung yaya mo, Kevin?” sabi nito sa lalaki, at muling bumaling sa kanya. “Bakit basta-basta ka na lang pumasok? Di ka naman tinatawag  ah. At ni hindi ka man lang kumatok.”   “Nakarinig po kasi ako ng kalabog kaya patakbo akong pumunta rito. Baka ho kasi kung napaano na si Ke-- Master.”   Umirap lang ang babae.   “Umalis  ka na, Victoria,” malamig na sabi ni Kevin.   Napatingin sya sa babae. Ito pala si Victoria. Hindi nya ito nakita kanina nang dumating ang dalawa. Maganda ito at tila isang modelo ang tindig. Maganda ang kutis at mukhang manyika ang mukha. Bumagay sa mukha ang maiksi nitong buhok.   Padabog na umalis  si Victoria. “Istorbo!” nakasimangot na singhal nito sa kanya.   Nang maglapat  ang pinto ay hindi malaman ni Mariana kung ano ang uunahing  gawin. Dadamputin na sana nya ang bote ng alak nang magsalita si Kevin.   “Anong karapatan mong tawagin ako sa pangalan ko?”   Natigagal sya sa galit na tono ng amo.   “A-ano p-po k-kasi n-nabigla --”   “Sa susunod, matuto kang kumatok! Pagkatapos mo dyan, umalis ka na, at wag kang aakyat dito hangga't hindi kita tinatawag. Naintindihan mo?!” sigaw nito.   “O-opo, Master,” sagot nya.   “Estupida.”   Dinig nya ang sabi ng lalaki bago ito mahiga ng kama. Sa inis ni Mariana, nang matapos sya sa ginagawa ay lumabas na sya nang hindi na nagpaalam pa sa lalaki.   Itutuloy... Please Like and Follow <3  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD