Chapter 4

1519 Words
“Bumalik ka rito. Ayoko nitong hinanda mong pagkain.”   Huminga nang malalim si Mariana, saka iyon ibinuga nang marahas. Nauubos na ang pasensya nya sa amo. Pangatlong dala na nya rito ng almusal, lahat ay inaayawan ng lalaki. Mabuti sana kung kakainin iyon nang nandoon sya upang masabi kaagad kung hindi nito gusto. Ang kaso ay hihintayin muna na makaalis sya, at kung kailan nasa sariling kwarto na sya ay saka nito sasabihin na hindi nagustuhan ang kanyang dinala.   “Oh iha,” may gulat na sa mukha ni Nanay Beng.   “Ayaw po ulit ni Master ng hinanda ko,” ,atabang nyang sabi.   “Pagpasensyahan mo na. Heto oh,” Iniabot sa kanya ng matanda ang tray na may lamang kape at tinapay. Sa platito ay may keso at green salad.   “Hindi ko ho talaga maintindihan ang mayayaman. Anong nagustuhan nila sa damong ito.”   “Hindi d**o yan, iha. Lettuce yan.”   Natawa sya sa matanda.   “Alam ko, Nay. Pero kung ako na marami nang pera, ang kakainin ko yung masasarap na pagkain.”   “Sya nga. Oh dalhin mo na 'to.”   Kinuha na nya ang tray at tinungo ang kwarto ng among bugnutin. Kumatok na muna sya ng tatlong beses bago pumasok. Pagkalapag nya ng tray ay kinuha nya naman ang sopas na walang bawas ng lalaki. Lihim syang bumuntong hininga.   “Hindi ko kakainin yan. Nawalan na ko ng gana,” malamig na sabi ni Kevin.   “Sayang naman po ang mga pagkain, Master.”   “Kainin mo.”   Kainin daw. Naramdaman ni Mariana ang pagkalam ng kanyang sikmura. Hindi pa rin nga pala sya nakakapag-almusal kakahintay sa utos ng amo. Napalunok sya ng dalawang beses nang mapatitig sa sopas na maraming sahog. Hindi na sya nagpatumpik-tumpik at naupo sa silyang kaharap ng lalaki.   “Ayaw nyo po talaga, Master?”   Umiling ang lalaki. Dinampot ni Mariana ang kutsara at sunod-sunod ang pagsubong ginawa sa mainit pang sopas.   >>>>    Naikuyom ni Kevin ang mga kamay na nakapatong sa kanyang hita. Kahit malabo ang kanyang paningin ay naaaninag nya kung paanong sensuwal na gumalaw ang mga labi ni Mariana sa pagnguya. Sa unang  tingin sa babae ay mukha itong tipikal na probinsyana. Ngunit kapag tinitigan na ito ay doon lang mapapansin ang tunay na ganda ng dalaga. Tama lamang ang taas nito para sa isang babae. Balingkinitan ang katawan, at madamitan lang ng tama ayon sa sukat ng katawan nito ay lalabas ang magandang hubog ng katawan ng babae.   Walang kolorete ang mukha ngunit masasabing maganda. Tamang kapal at hugis ng kilay. Maliit at katamtaman lang ang tangos ng ilong nito. Maliit ang mukha ng babae na maiihalintulad sa hugis ng puso. Manipis na labi na bumagay naman sa baba nito.   “Sinabi ko bang dito ka kumain?”   Nahinto ito sa pagsubo. Tila napahiya at nagbaba ng tingin.   “Pasensya na po.” Mabilis nitong sinalansan ang mangkok kahit may laman pa iyon.   Napalatak naman sya. Hindi alam ni Kevin kung matutuwa ba sya o maiinis sa ugaling iyon ni Maraiana. Masyadong masunurin, mahinahon, mapagpasensya at… mabait. Kung palaging magiging ganoon ang dalaga sa lahat ng makakasalamuha nito ay hindi malabong  mapagsalamantahan ito ng kapwa.   “Tsk! Tapusin mo na yan at sumunod ka sa akin sa CR.”   Pinaikot nya ang gulong ng wheelchair at tinalikuran na ang babae. Wala syang narinig na pagtutol rito. Nang lingunin nya ito at itinuloy nga ng babae ang pagkain. Nakadama sya ng inis sa di malamang dahilan.   “Lahat ba ng sasabihin ko ay gagawin mo?!” galit nyang sabi rito.   “Opo. Iyon naman ang tarabaho ko rito,” inosenteng sagot nito, walang halong pangtutuya o sarkasmo.   “Kapag ba sinabi kong sumabay ka sa aking maligo, gagawin mo?” nahiling ni Kevin na sana ay malinaw ang kanyang mga mata upang lantarang makita ang gulat na reaksyon ng dalaga.   “K-Kung iyon po ang gusto nyo,” mahinang sabi nito.   Hinugot ni Kevin ang tungkod nyang nakasuksok sa gilid ng silyang de gulong. Tumayo sya at naglakad palapit kay Mariana. Nilahad nya ang kamay nang makarating sa harapan ng babaeng tila dumikit na ang pang-upo sa silya.   “Tumayo ka.”   Ilang segundo rin bago tinanggap ni Mariana ang kamay nyang nakalahad.  Walang kasing bagal na tinungo nila ang CR -- sya na pilay kaya mabagal ang lakad, at si Mariana na namamawis ang kamay dahil sa kaba ay maliliit din ang hakbang.   Nang makarating sa loob ng CR ay humarap sya sa babae. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanya. Kinailangan pa nyang hawakan ang baba nito upang matuon sa kanyang mukha ang mata ng dalaga.   “Hubaran mo na ko, Mariana.”   Nanginginig ang mga kamay nito nang hawakan ang laylayan ng kanyang damit.   “Hindi ka pa rin ba sanay sa trabaho mo, huh, Mariana?”   “Hindi naman po sa ganon. Ano lang kasi… ah… hindi po ako sanay m-maligo nang may kasabay.”   “Hmmm. So this is your first time…” nang mahubad ng babae ang kanyang damit ay sinunod nito ang kanyang panjama. “Iwan mo ang panloob ko,” awat nya rito nang huhubarin na rin sana ang kanyang panloob.   Dinig nya ang paghugot nito ng hininga.   “Maghubad ka na, Mariana.”   “M-Master… n-naligo na ho pala ko,” kabadong sabi nito.   “Walang kaso. Maligo ka ulit... kasabay ko.”   Hindi kumilos ang babae mula sa pagkakatayo nito. Hinihintay ni Kevin na umiyak ang dalaga, na magalit ito o di kaya ay basta na lamang sya iwan at tuluyan nang umalis ng kanyang bahay. Sa lahat ng naging katulong nya ay si Mariana lamang ang tumagal at nakapag-papasensya sa kanya. Hindi nya rin maintindihan ang sarili kung bakit nagawa nyang sabihin dito na hindi sya lubusang bulag.   Hindi ba nga ay isa iyon sa kanyang paraan upang makita ang totoong ugali ng mga taong nakakasalamuha nya, kung hanggang saan sya kayang pagpasensyahan ng mga ito? Ang iba nyang naging katulong ay naging sunod-sunuran din sa kanya, ngunit ang pagiging sunod-sunuran ng mga ito ay may motibo.   Ang ilan ay kinukuhanan sya ng pera at gamit. Minsan pa ay naaninag nya kung paano magdabog ang mga ito at titigan sya nang matalim. Ang akala kasi ay talagang hindi sya nakakita. Ngunit gayunpaman ay hindi sya nagpapaalis ng katulong. Sa halip ay inuubos nya ang pasensya nito hanggang sa ang mga ito na ang kusang umalis.   Iba ang kaso ni Mariana. Inosente ang pagiging masunurin ng dalaga, kahit noon pa man na hindi pa nya sinasabi ritong nakakakita sya nang bahagya. Maingat ang bawat galaw ng dalaga. Noong una ay hindi ito masyadong komportable kapag pinapaliguan sya. Ngunit habang tumatagal ay nasasanay na rin ito.   Kinailangan pa ni Kevin ng matinding pagpipigil na balewalain ang bawat haplos nito sa tuwing paliliguan sya ng babae. Kung hindi ay baka mabuhay ang isang parte ng kanyang katawan at baka kumaripas ng takbo ang dalaga.   Hinawakan ni Mariana ang laylayan ng sarili nitong blusa. Akma na nito iyong tatanggalin nang hawakan nya ang kamay nito.   “Lumabas ka na.”   “P-Po?”   “Lumabas ka na. At mula ngayon, ako na lamang mag-isa ang maliligo. Hindi na ko magpapatulong sa'yo.”   “Pero kasama sa trabaho ko ang paliguan kayo, Master.”   “Basta hindi na,” mariin nyang sabi rito. Tumalikod na sya sa babae at hinarap ang shower.   Naramdaman nya ang pag-alis ng babae sa kanyang lukiran. Tinungo na nito ang pinto.   “Mariana,” tawag nya rito bago tuluyang makalabas.   “Master…”   “Hindi sa lahat ng pagkakataon susunod ka sa gusto ng ibang tao. Matuto kang tumanggi at magdesisyon para sa sarili mo.”   “Katulong po ang trabaho ko rito at obligasyon ko na sundin ang lahat ng utos nyo.”   “Wag kang tanga, Mariana! Naha-harass ka na wala ka pa ring kaalam-alam. Hindi mo pa nararanasang maligo na may kasabay na lalaki, pero dahil inutos sa'yo gagawin mo naman. Isipin mo rin na hindi na parte ng tarabho mo ang maligo kasabay ng amo mo. Stupid!”   “Naiintindihan ko po. Pasensya na.”   Nakaramdam na naman ng inis si Kevin. Maagang kukunin ng langit ang babae kung ganito ito kabait.   “Tandaan mo, Mariana, hindi lahat ng tao kasing buti at inosente mo. Lumabas ka na!”   >>>>    Nakaupo si Kevin sa kanyang silyang de gulong at nilalanghap ang pang-gabing simoy ng hangin sa balkonahe. Tatlong beses may kumatok sa pinto. Alam nyang si Mariana iyon. Naramdaman nya ang yabag nitong papalapit sa kanya.   “Master, may tawag po kayo sa telepono,” nakangiting bungad sa kanya ni Mariana.   Iniabot nya ang telepono sa mesa at pinindot ang button doon na kumukonekta sa telepono sa baba ng bahay.   “Hello?”   “Kevin, I missed you.” Nang-aakit ang tinig ni Victoria.   Hipag nya ang babae, half-sister ng namayapa nyang asawa. Hindi komportable si Kevin sa pesensya ng babae. Palagi sya nitong inaakit, kahit noon pa mang nabubuhay pa ang kanyang asawa.   “Kung wala kang sasabihing importante, ibababa ko na 'to.”   Tumawa nang maharot ang babae sa kabilang linya. Napamura sya. Napalingon naman si Mariana na abala sa pag-aayos ng kanyang kama.   “Urgh! Bakit ang hot mo? Lalo na kapag napapamura ka. Parang kagabi lang.”   “Huwag mo nang uulitin ang ginawa mo na yon kagabi, Victoria. Hindi ako natutuwa.”   “Talaga lang huh. Parang iba naman ang sinasabi ng katawan mo sa ginawa ko kagabi.”   Sa inis ay ibinato ni Kevin ang telepono. Nabasag iyon sa lakas ng pagkakatama sa dingding. Napatili naman si Mariana sa kanyang ginawa.   “Linisin mo na! Tatanga ka pa eh!” sigaw nya rito, tinutukoy ang nagkapira-pirasong landline phone. “Huwag nyo nang papasukin si Victoria dito sa pamamahay ko! Sabihin mo yon sa kanilang lahat. Malalagot sakin ang magpapapasok sa kanya rito.”   “M-Masusunod po.”   Galit sya kay Victoria. Ang babaeng iyon ang dahilan kung bakit namatay ang asawa at anak nya.   Itutuloy…  Please Like and Follow <3  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD