Naglalakad na ang dalaga papasok sa building ng asawa niya. Sinabi nitong sabay na silang uuwi. Malapit lang sa set nila ang company building nito kaya naisipan niyang daanan na ito. Nagsuot lamang siya ng simpleng jeans at puting t-shirt t'saka sun glasses at cap. May ipapakita lang naman siyang identity card na nakalagay ang VIP para makapasok siya sa loob. Nakangiting naglalakad na siya papunta sa elevator nang makitang may pumasok sa President's lift. Kumunot ang noo niya nang mapagsino ang nasa loob. Si Sebastian iyon at may kasamang babae. Kagaad na kumalabog nang malakas ang dibdib niya. Mabilis na pinindot niya ang button papunta sa top floor kung saan naroroon ang opisina ni Sebastian. Nanginginig ang kamay niya. Bumibigat din ang paa niya. Nang bumukas ang elevator ay mabilis

