"Good morning, Misis Abbas. Ako ang kasama mo ngayon," ani ni Liza. Napangiti naman agad si Heart at napatango. "Good, tayo na," ani niya rito. Tumango ito at kinuha ang dala niyang paper bag. May shooting siya ngayon. Bumalik na rin ang lakas niya. Masaya na rin siya at nagtatagalog na si Liza. Sumakay na sila sa van niya. "Money, ito pala ang bago niyong kasama. Siya si, Liza," pagpapakilala ni Heart sa dalaga sa driver niya. "Hello po," bati nito. Kaagad na ngumisi nang malaki si Liza. "The work ethics with you is fine," sagot ni Liza na ikinakunot noo ng lalaki. "Ah, haha sabi niya nice working with you," ani ni Heart. "Ahh, sa'yo rin," saad ni Money. Napailing na lamang si Heart. Akala niya okay na eh. Ilang minutong pagda-drive ay dumating na sila sa set. Kaagad na b

