EPISODE 1
(KEVIN POV)
Pumunta ako sa office ngayon si sir Robert dahil balita ko ay mayroon itong bagong pinapatugis na krimal. Ako ang top agent sa lugar namin at kahit na isa ay wala pa akong palpak sa aking trabaho sa loob ng 8 years kong pagseserbisyo bilang private detective.
Pagpasok ko sa loob ng office ni Sir Robert, hindi lang sya ang nakita ko. Mayroon pang isang lalaki ang nandito na labis kong kinayayamutan- si Paul na kapwa ko private investigator. Magkaklase kami noong college pero dahil sa isang babae ay nasira ang pagkakaibigan naming dalawa. Si Steph na muse at pinaka magandang muse sa aming school, parehas namin itong niligawan ng palihim pero sa bandang huli ay ako ang sinagot nya.
And now, 8 years na kaming dalawa ni Steph at fiance ko na rin ito. Sinabi ko sa kanya na isa pang taon at magpapakasal na kaming dalawa. Mahabang panahon na ang pinagsamahan namin at gusto ko na rin lumagay ako sa tahimik at bumuo ng sariling pamilya kasama ng babaeng mahal ko.
Nakangiti ako kanina pero nawala ito ng makita ko ang lalaking ito. Balita ko sya ang nagpapakalat ng chismis na wala na kaming dalawa ni Steph at madalas akong pumunta sa bar. Mabuti na lang at 'di ito nakakarating sa fiance ko. Naging hobby ko na kasi ang pumunta sa bar kapag stress ako.
Umupo ako at humarap kay Sir Robert kahit na inaasar ako ng mga ngiti ng karibal ko sa trabaho. Sumandal ang boss namin sa upuan nito at hinila ang isang brown envelope sa aming harapan.
"Buksan nyo, sya ang bago naging target. Isa syang kriminal, myembro ng isang sindikato at marami na silang nabiktima. Marami silang mga smuggle products na pinapasok dito sa ating bansa at nabalitaan ko na pati organs ng tao ay binebenta rin nila. Kailangan nyo syang mahuli. Ang nasagap lang nating impormasyon ay Bella ang pangalan nito at 24 years old na sya. Highschool graduate ang tinapos nito at nirecruit na ng sindikato."
Binuksan ko ang envelope at nakita ko ang pinaka magandang babae sa buong buhay ko. Isa syang diwata sa aking paningin. I can't even believe na may isang ganitong babae ang nabubuhay sa Pinas. Ganitong babae ang weakness ko. Ang babaeng maputi at makinis ang kili kili, matambok ang dibdib. Ayaw kong kumurap sa ganda nitong 'di nakakasawa. Nalimutan ko na isa akong detective.
"Oh mukang titig na titig ka sa babaeng yan ha? Akala ko ba may fiance ka na?"
Na destruct ako sa sinabing ito ni Paul. Ipahiya na nya ako sa ibang tao pero wag lang sa harapan ng boss naming dalawa.
"Meron akong fiance pero labas ang personal life ko rito pare. Ano bang iniisip mo ha? Napaka professional ko sa trabahong ito at 'di naman sa niyayabangan kita kaya lang ay wala pa akong naging palpak sa aking trabaho. Ikaw, balita ko na pumalpak ka sa pagtugis nyo sa mga nag carnap noong nakaraan ha? Si Miggy raw ang nakahuli rito."
"Gago ka ha!" sabi nya, ikinuyom ang kamay nito at akmang susuntukin na sana ako. Itong galit nya, natitiyak kong 'di lang ito ang galit sa sinabi ko. Galit ito na pinanghahawakan nya sa loob ng matagal na panahon. Asar asar pa sya tapos sya ang unang napipikon.
"Itigil mo yan Paul! Totoo naman ang sinabi ni Kevin na bigo kang mahuli ang mga carnapper. Sobrang disappointed ako sayo pero binibigyan kita ng chance to redeem yourself. Actually, sa lahat ng mga tauhan ko, isa sa inyong dalawa ang gusto kong pumalit sa akin. 60 na ako at gusto ko nang mag retire sa trabahong ito at umuwi sa probinsya. But bago ako mag promote ng isa sa inyo, dapat ko muna kayong bigyan ng isang task. Kung sino ang unang makahuli sa babaeng ito, sya ang ipo promote ko sa position ko bilang Chief of Police. The higher your position is, the higher your salary. Alam naman natin na importante ang status at pera."
Promotion pagkatapos nito? Abot tenga ang saya ko ng marinig ko ang salitang ito. Satko, kung sakaling ako ang mapo promote ay magiging double ang blessing namin ng girlfriend ko. Mas magiging magarbo na ang kasal naming dalawa.
Kahit na gaano kaganda ang babaeng ito, tutugisin ko sya at titiyakin ko na ako ang makakahuli rito at hindi si Paul.
"Boss, may ideya ba kayo kung nasaang lupalop ng mundo ito nagtatago?" tanong ni Paul.
"Nasa Malate Manila ito huling namataan pero ang gusto ko ay kayong dalawa lang ang maghahanap sa kanya. Gusto kong isipin ng babaeng ito na walang ginagawa ang mga awtoridad upang matugis sila para hindi na sila makapagtago pa. Mahirap huliin ang tao kapag alam nitong maraming naghahanap sa kanya. Mayroon lang kayong 3 weeks para dalhin ang babaeng ito at natitiyak ko sa inyo na sya mismo ang makakapagturo sa iba pa nitong mga kasamahan."
Napangisi ako, madali masyado ang ganitong trabaho sa akin kaya ako ang mismong magdadala ng babaeng kriminal na ito sa hustisya.
"Kung wala na kayong tanong, you are dismissed."
Lumabas na kami ni Paul matapos kaming i dismiss ni sir Robert. Nagpunta ako sa cr pero sinundan ako ni Paul. Sabay pa kaming umuhi sa magkabilang cubicle.
"Pare, paano ba yan? Magiging superior mo na ako next month kapag nag retire si Sir Robert," sabi ng nakangising mayabang na ito.
"Wag kang magpakampante kasi malabo ang sinasabi mo. Saan mapupunta ang promotion na ito kasi habang tulog ka pa lang mamaya, alam ko na kaagad kung saan ako mag uumpisang maghanap. Magiging kulelat ka lang pag nagawa mong makipag sabayan sa akin." Pagyayabang ko, hindi lang kami magpapataasan ng ihi, magpapataasan din kami ng pride.
"Kilala kita Kevin! Ganitong mga babae ang kahinaan mo. Noong college pa lang tayo, palagi mo nang bukambibig ang tipo mo sa babae sa akin."
"Oo marahil tama ka sa mga sinasabi mo pero marunong akong makuntento sa babae. By the way nga pala, ikakasal na kaming dalawa ni Steph next year. Iimbitahin sana kita kaso naalala ko na tinraydor mo ako at siniraan mo kami dito sa office."
"Relax," sabi nya. "Matagal na akong nakapag move on kay Steph."
Nagharap kaming dalawa matapos naming umihi. Magkasing tangkad lang kami pero mas malaki ang katawan ko sa kanya.
"Kaya pala hanggang ngaun ay wala ka pang nagiging syota?"
Pumasok bigla si Sir Robert sa loob ng cr.