BELLA POV Nandito kami sa loob ng isang motel room. Nakapatong na sa akin si Kevin na hinahalikan ako ng agresibo. Sa buong buhay ko, ito na yata ang masasabi kong pinaka matinding halik na aking naranasan. Dama ko ang pag iinit ng lalaking ito na lunod na sa kanyang kalasingan. Pero ang galing nitong humalik, kung kanina sa kotse nito ay nahihirapan akong sabayan ang mga labi nito kung paano gumalaw, iba na ang sitwasyon sa sandaling ito. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama mo lang ang init ng halik nito. Nang igapang nito ang kanyang kamay sa aking pisngi, napahawak ako sa likuran nito. Maganda ang katawan n'ya na nagsisilbing harang para matamaan ako ng ilaw. Akala ko nga ay boyfriend ko ang lalaking ito. Dinadala ako nito sa isang masarap na pangyayari. Buti nga at amoy alak lang a

