Now Dahil sa nangyari kahapon ay minabuti kong sa cubicle ko na lang ituloy ang pagbuo ng portfolio. Pakiramdam ko'y wala na kong mukhang maihaharap sa kanya. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa nung pareho na kaming nasa conference room ulit kahapon. Ni hindi na ako nagtapon ng tingin sa banda niya. Hindi ko maiwasang isipin kung ano kaya ang tumatakbo sa utak niya pagkatapos nung ipinakita ko. Pinilig ko ang ulo at tinuloy na lang ang ginagawa. "Ayos ka lang?" Napabaling ako kay Chance na nasa tabi ko. Nang makita niya kaninang umaga ang ginagawa ko sa cubicle ay giniya niya ko sa lounge area ng department kung saan may malaking lamesa at makakabwelo. Nag-offer din siya na magbigay ng tulong sa kung saan man siya may maiaambag. Tatanggihan ko na sana ngunit sabi niya'y ganun naman

