Chapter 32

1476 Words

Bwiset Gusto kong umurong. Gusto kong tanggihan ang trabaho. Gustong-gusto ko. Kung hindi ko lang sana naabutan ang landlady na inaaway si Mama pag-uwi ko. Kung hindi ko lang sana nakita kung paano minura-mura at binato ng masasamang salita si Mama. Kung hindi ko lang sana nakitang lunukin ni Mama ang pride niya at nagmakaawang bigyan pa kami ng palugit. Kung hindi ko lang sana siya nakitang halos lumuhod na para lang mapagbigyan. Kung hindi lang talaga sana. Kaso ay hindi nga umayon sakin ang mga sana ko. Kaya noong sumunod na araw ay binaon at nilibing ko na sa lupa lahat ng hiya ko. Kinalimutan ko na kung ano man ang pagmamalaki pa na meron ako. Nilimot ko na muna lahat ng sama ng loob ko. Wala akong choice. Dahil ang choice ay para lang sa mayayaman. At hindi ako kabilang don

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD