Unexpected
Halos isang linggo na kaming nagba-basketball ni Kai. Masaya siyang kalaro at chill lang. Ang pinaka-gusto ko pa ay may natutunan ako sa kanya pagnaglalaro kami.
"Hindi ka na nagdala ng bola?" tanong ko pagkakita sa kanya.
Umiling siya habang kagat ang towel saka ito inalis sa bibig para magsalita. "Di na. Nagdadala ka naman eh. Ayos na isa satin."
Lumapit siya sakin para kunin ang bola. Nang inabot ko yun sa kanya ay napatingin siya sa palapulsuhan ko.
"Nice tats," sabi niya habang nakatitig sa tattoo ko.
Napangiti ako. Minsan lang may pumuri dito.
"Ganda no?" pagmamayabang ko.
He made a face. Aktong hihilahin ko ang buhok niya nang mabilis siyang nakalayo.
"Pero seryoso gusto ko rin magpatattoo," biglang sabi niya habang nagdi-dribble.
"Oh? Ayos lang ba sa parents mo? Samahan kita sa pinagawan ko," aya ko sa kanya.
Nakita kong nagliwanag ang mukhang napatingin siya sakin atsaka tinuloy ang paglalaro ng bola.
"Nasa ibang bansa parents namin. Tsaka legal age naman na 'ko,"
Obvious namang nasa legal age na si Kai dahil matangkad siya at matured na ang built ng katawan.
"Ilang taon ka na ba?" I curiously asked.
"Eighteen,"
Nanlaki ang mata ko.
"Eighteen ka pa lang?!" di makapaniwalang tanong ko.
Kumunot ang noo niya. "Oo, bakit? Ikaw ba?"
"Magtu-twenty na ko," gulat pa rin na sabi ko.
Nagkibit-balikat lang siya. "Magna-nineteen na rin naman ako,"
Pumamewang ako sa harap niya.
"Tignan mo yan, mas matanda pala ko sayo tapos di mo ko ginagalang?" mataray na tanong ko.
Huminto siya sa pagdidrible at nagtaas siya ng isang kilay.
"Bakit ano gusto mo itawag ko sayo? Kuya Ken?" natatawang sabi niya.
Nalaglag ang panga ko. Akmang susugod ako sa kanya nang tumakbo na siya palayo.
Nagsimula na kaming maglaro at pansin na pansin ko na ang improvement sa performance ko kumpara nung first ever game namin. Magaling talaga si Kai kahit sa pagt-train.
Hinihingal na tumigil ako. "May team ka ba?"
He played with the ball on his hands. "Yeah, yung sa school lang. Consistent team player ako mula pa nung bata,"
Tumango-tango ako at tinuloy namin ang laro.
"Pre, sali kami."
Napatigil kami at napatingin sa mga dumating. Anim na lalaki sila na halos mga kasing tangkad lang ni Kai pero tingin ko ay medyo mas matatanda na.
Tinignan ako ni Kai na parang tinatanong niya kung payag ako at okay lang sakin.
"Kilala mo?" bulong ko sa kaniya.
Umiling siya. Napalunok ako.
Napatingin ulit ako sa mga nag-aya. Okay din siguro kung makakapaglaro kami nang mas marami namang members para mas makatotohanan.
"Sige," sabi ko.
Ngumiti naman yung nagtanong at lumapit na sila. Nag-split kami sa dalawang grupo na may tig-apat na miyembro. Hindi kami magkakampi ni Kai.
Naaliw ako sa laro dahil iba pa rin talaga yung marami kayong gumagalaw sa court. Natutuwa rin ako dahil nagamit ko talaga yung mga na-practice nitong mga nakaraang araw.
Nasa akin ang bola at mahigpit ang bantay ko. Panay pa ang ngisi niya kaya medyo naiiinis ako. Nakatalikod sa kanya habang nagdidrible at aktong ihahakbang na ang paa para malagpasan siya nang maramdaman ko ang palad niya sa pang-upo ko.
Nanlaki ang mata ko at nabitawan ang bola.
"Bastos ka ah!" sigaw ko.
Nakita ko sa gilid nang mata ko ang pag-kunot ng noo ni Kai at paglapit niya sa banda ko.
"Ba't ka nanghihipo?!" galit na asik ko nang hindi pa rin ito agad sumagot.
Nakita kong tumagilid ang ulo ng lalaki.
"Kunwari ka pa gusto mo rin naman eh," bulong niya pero sapat pa rin para marinig naming lahat.
Uminit ang mukha ko sa pagkamuhi sa lalaki. Aktong susugurin ko siya nang naunahan ako ni Kai at mabilis itong pinadapuan ng suntok.
"Aba'y gago to ah," rinig kong litanya nung isa sa mga kasama nung lalaki.
Akmang lalapit din ako para gumanti pero naramdaman ko na ang paghila ni Kai sa braso ko paalis.
"Hoy balik, gago! Hindi pa tayo tapos!" may sumigaw pa.
Dire-diretso lang ang pagtakbo ni Kai palayo habang hila-hila ako.
"Bat tayo tumakbo? Dapat dun tinuturuan ng leksyon!" sabi ko habang nagpapatianod sa kanya.
Umiling siya. "Di natin kaya yun, Ken." hinihingal na tumigil kami sa may park. "Ayos na muna yung naka-isang suntok tayo dun sa m******s. Dehado tayo pagnagtagal pa tayo ron," realtalk na sabi niya at napaupo sa damuhan.
Umupo rin ako sa damuhan habang medyo hinihingal. Hindi ko naman maitatangging tama siya. Hindi sapat yung tapang ko lang para mapatumba sila.
"Pasalamat sila dalawa lang tayo at marami sila! Kung nagkataong mag-isa lang yung lalaking yun, naku!" nanggigigil na sabi ko.
Nakita kong napatitig siya sakin nang may pag-aalala. "Ayos ka lang?" concern na tanong niya.
"Pwede pa rin naman natin ireport yung nangyari. Sigurado akong may cctv dun sa area," dagdag niya.
Napailing-iling ako. Kung tutuusin halos sanay na kong makatanggap ng mga pambabastos na salita at indecent proposals. Napabuntong-hininga ako.
"Mukha ba talaga kong malandi?" tanong ko sa kawalan.
Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang paglipad ng tingin sakin ni Kai.
Binaling ko ang tingin ko sa kanya. "Ikaw, Kai, nung unang kita mo sakin? Mukha ba kong may motibo sayo?"
Kita kong napangisi siya. "Actually."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Babanatan ko na sana siya pero pinagpatuloy niya ang pagsasalita.
"Nung una akala ko nagpapapansin ka lang sakin," humalakhak pa ang gago.
Nalaglag ang panga ko. "Ang kapal mo!"
"I know, I know," natatawang pag-amin niya. "Nung nakita ko naman yung frustration at focus mo sa paglalaro nung araw na yun, nakumpirma ko na agad na mali ang hinala ko. Narealize ko na ganyan ka lang talaga naturally as a person,"
Natahimik ako sa sinabi niya. Ramdam kong may kasunod pa ang pagsasalita niya kaya piniling makinig.
"Never pa kong nagkaroon ng kaibigang babae, actually. I find them overdramatic and clingy. Pero medyo nagbabago na isip ko kasi nakilala kita," he said cockily.
Hindi ko mapigilang mapangiti nang nang-aasar. "Naaaaks," sinundot ko ang tagiliran niya. "So bestfriends na tayo niyan?" natatawang sabi ko.
Naiiling na humalakhak siya at humiga sa damuhan. "Pwede. Basta ba sasamahan mo kong magpatattoo," pag-iinarte niya pa.
Inirapan ko siya at humiga rin sa damuhan. "Sus pa-hard to get ka pa. Wag ka mag-alala sasamahan kita."
Saglit kaming binalot ng katahimikan nang bigla siyang mapamura sa kawalan na parang may narealize. Binaling ko ang ulo sa gilid para lingunin siya.
"Baka mag-abang yung mga yun sa court kaya delikado pa maglaro sa mga sunod na araw," sabi niya.
Binalik ko ang tingin sa langit. "Ayos lang yun, xbox na lang muna tayo sa bahay." sabi ko.
Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagbaling niya naman sakin.
"Bahay niyo?" paninigurado niya.
Tumango-tango ako.
"G, Sabi mo yan ah," sabi niya na may bakas pa ng halakhak.
Napailing ako habang nakangiti.
I'm almost convinced that unexpected situations really do form the most genuine type of friendships.