Arte "Bitaw na kasi," natatawang sabi ko. Suminghap lang si Kai at mas hinigpitan pa ang kapit. "Wag ka na lang kasing makulit," Napahalakhak naman ako habang nakikita siyang nakayuko lang at tila nagfofocus. Nandito kami ngayon sa tattoo shop kung saan din ako nagpatattoo dati. Finally ay natuloy na rin ang plano ni Kai na magpalagay. Nahirapan siyang pumili sa mga pinakitang designs kanina. Torn siya dahil may plano na sana siyang baybayin characters na ipapalagay pero nang makita ang isang abstract design ay namangha. Kalaunan ay yun na ang pinili niyang ipalagay sa tagiliran niya. Kitang-kita ang laki ng katawan niya ngayon dahil nakahubad ng pantaas pero kung makakapit siya sa braso ko habang tinatattoo-an ay parang batang paslit lang. Nakatungo pa talaga ang ulo niya at para

