Tangina Kaison Troy: Wait Ken jwu. Mga 2pm na kita sunduin Napakunot ang noo ko sa natanggap na text mula kay Kai. Kakagising niya lang? Alas-dose na ah. I mentally shook my head at his laziness. Sa bahay nila Kai naman kami tatambay ngayon. Hindi naman na sana niya kailangan pang pumunta rito para kunin ako kaya lang hindi ko pa kasi alam kung saan ang sa kanila. Lia Kennedy: Wag mo na kaya ko sunduin mamaya? Ano bang street niyo? Kaison Troy: Volkswagen St, sa may malapit sa circle. Sunduin na muna kita, di mo pa alam eh Ipinagkibit-balikat ko iyon at hinayaan na lang siya sa gusto niyang mangyari. Nagdesisyon na lang akong maligo na. Nang makatanggap ng text na nandito na siya ay bumaba na ako. Nakita ko siya sa may garahe na pinapatalbog ang bola ko. Inaya ko na siya at nagp

