LORRA Tamad na bumangon ako sa higaan..humihikab pa ako papuntang c.r..Ngayon ang araw ng pagpasok ko sa college..ang sabi nila ay 3rd year ako nung maaksidente at mahinto sa pag aaral kaya itutuloy ko yun sa dating school ni Riz. Panatag ang loob ko na doon mag aral dahil nandoon si Wheng..nagtetake sya ng masteral kaya may kakilala parin ako kahit paano. Nang matapos na akong mag ayos ng sarili ay binigyan ko ang mukha ko ng huling sulyap tipid na ngumiti ako sa nakita ko. Lets go!nagulat ako ng hatakin ako ni Wheng pasakay sa kotse nya paglabas ko ng bahay. hinintay mo talaga ako?di makapaniwalang tanong ko. syempre namiss din kitang kasama sa school!sa tono ng boses nya mukha ngang excited sya. Nauna na akong bumaba sa kanya sa kotse at tumakbo na ako papasok ng gate narinig ko

