KOBE Naglalakad ako sa hallway habang nakapamulsa upang tawagin si Jake dahil nga umalis sya sa canteen ng walang paalam..nauna na si Cris sa tambayan namin at alam ko na nandoon na sila K at ang g**g kaya ito ako at susunduin ang emo kong kaibigan. Naaawa ako sa kanya pero hindi ko yun pwedeng ipakita sa kanya dahil alam ko na lalo lang makakadagdag yun sa nararamdaman nya ngayon.Alam ko na mahirap ang ginawa nyang desisyon siguro kung ako yun di ko magagawa ang ginagawa nya ngayon. Sobrang hirap nun..yung nasa harap mo na pero di mo mahawakan o masabi man lang sa kanya kung gaano mo sya namiss at di mo makwento yung mga bagay na nangyari sayo nung nawala sya.Huminto ako sa tapat ng pinto ng classroom namin huminga muna ako ng malalim bago ko kinabig pabukas ang pinto. Summer's end

