(Noam's POV) "MAHIGIT isang linggo na mula nang mangyari ang nasabing misteryosong tangkang pagpatay as tinaguriang international superstar na si Zerenel Gonzales. Ayon sa mga doktor, malala ang naging tama ng bala nito sa katawan at may posibilidad na matagalan bago muling magising ang aktor. Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya kung sino ang posibleng suspek sa tangkang pagpatay sa aktor at kung paanong nadukot it—" "Iisa lang yung laman ng balita." Bulong ko matapos ilipat ang channel ng TV at sinaid yung laman na tubig ng basong hawak ko. "HAPPY TEACHER'S DAYYY!" Nabitawan ko yung basong hawak ko dala ng gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Wesley. Ngiting-ngiti sya habang may bitbit na cartolina na may lettering—na halos hindi ko naman mabasa. Hindi naman sa nilalait ko pero kasi h

