(Third Person's POV) NAHINTO yung akmang paglapat ng labi ni Monica sa tasa ng kapeng hawak nya nang marinig nya ang hindi pamilyar na boses na nag-iingay sa labas ng bahay nya. Yun ang tanging libreng oras nya at day off nya mula sa kumpanya kaya naisipan nyang magkape habang nagpapahinga sa garden—na nasira na dahil may kung sinong bumubugbog sa doorbell nya na sinasabayan ng pagsigaw. Bumuntong hininga muna sya bago kalmadong ibinaba ang tasa sa mesa at naglakad papasok ng bahay at dumiretso sa pinto malapit sa sala. "W-where's Morgan?" Agad na nagsalubong yung kilay nya sa bungad na tanong na yon ng binata pagkatapos nyang buksan ang pinto. Ngayon nya lang ito nakita pero medyo napapamilyaran sya sa mukha nito. Mas lamang nga lang ang pagdududa nya dito, bantay sarado kasi ng mga t

