KYLIE POV Gabi na at kaming tatlo lang ngayon rito ng kaibigan kong si Jen at si Jude. I was expecting Evan to arrive here ngunit wala siya. Ang awkward tuloy na kasama ko ang mag jowang panay ang lampungan sa harapan ko. Hindi naman ako sa nag seselos subalit ang sakit lang sa mata ng nakikita ko. Buti pa sila ay normal pa rin ang katawan. Samantalang ako, wala na yatang tatanggap sa akin. Ganito na yata ako, naka tadhanang maging single habang buhay. Panay na lang tuloy ang laro ng nga ang*y bird sa phone ko na ang hirap laruin. Ilang stage pa lang ako subalit hindi ko talaga kayang iangat. Sa legdi ng mga mata ko, nakikita kong nag hahalikan na ang dalawang love birds. Nalimutan yata nila na nasa isa silang lamay. "I love you baby! Mahal na mahal kita," saad ni Jude, ang corny la

