LIRA POV Impress na impress talaga ako kung paano sumayaw ang boyfriend ko. Ang lambot lambot ng kaniyang katawan. Tila ay wala itong buto at tila ba ay isa siyang bulate na naasinan. "Sayang, isama natin ang mga kaibigan mo sa susunon na punta natin rito. Nang sa gayon ay maging masaya ulit sila at may bonding kayo. Especially si Kylie." "Matigas ang katawan ni Kylie at nakaka tawa siyang sumayaw. Si Jen naman, okay okay lang pero walang masyadong energy pag dating sa pagwawalwal. Oo nga no? Maganda sana kung makikita ko silang sumayaw. Sige susubukan ko talaga ito next time at baka maging katawa tawa sila." Nang matapos na ang tugtog ay nag sipag tigil na rin ang mga tao sa sayawan. Bumalik na kaming dalawa sa upuan namin ng boyfriend kong si Stephen. Medyo hiningal at pinag pawisan

