KYLIE POV "Oo, laude ako kasi bilang maituturing kong mahirap ang naging buhay namin, the only way para makatulong ako sa parents ko ay ang mag aral ng mabuti. Literal na nagsusunog talaga ako ng kilay upang maipasa ko ang mga subjects ko. Bonus na lang talaga na nakapasa ako with honors. Sayang lang kasi ako lang ang aakyat sa stage mag isa." "Dont worry, kung wala ka talagang kasama, puwedeng puwede akong sumama sa graduation day mo. Just say na kaibigan ako ng papa mo so tapos ang usapan. For sure marami kang mga kaibigan sa school hindi ba?" "Ay wala po akong masyadong kaibigan sa school," tugon ko sa kaniya. "Si Lira po at si Jen lang ang bestfriends ko sa school. Hindi ako palakaibigan at mas gusto kong small circle of friends." "Ako rin, lalo na kapag nasa ganitong edad ka na

