KYLIE POV Ngayon ay kaming dalawa na lang si Theo na naglalakad sa daan. Nakaka destruct talaga ang height niya. Pag tumitingala ako sa kaniya ay parang tumitingala na ako sa langit. Tumingin siya sa akin, "7 feet tall ako, nasa lahi na namin ang matatangkad. Ngunit kapag pumunta ka sa ibang bansa, normal lan na maka kita ka ng mga matatangkad. Karamihan nga sa mga babae sa ibang bansa ay mas matatangkad pa sa mga lalaki dito sa Pinas." "Ay ganun, kaya pala kami minamaliit din kami ng ibang lahi kasi ang babansot namin sa paningin nila." "Hahaha! Ang galing mo rin palang mag biro. Kaya hindi na ako nagtataka kasi halatang may gusto rin sayo yung si Jude. Grabe ang tingin niya sa akin kanina, akala mo ay nakapatay na ako ng tao sa sama ng titig niya sa akin." Nagtaka ako na ang bili

