ADELINE Ginalaw ko ang aking ilong nang may naramdaman akong amoy na nakakaiba...menthol. Napakunot ako ng noo kung bakit mukhang nakatulog ako. Ilang segundo akong napaisip ng maalala ko ang nangyari bago ako himatayin. Mabilis na bumukas ang aking mata at babangon ngunit may pumigil sa akin. Nanatili akong nakahiga at napalingon kay Mama na nakaupo sa tabi ko habang nakatayo si Mayang, nag -aalala sa kalagayan ko. "How long I fainted?" "Almost two hours, ate. Mukhang bumabawi ang katawan mo dahil sa kulang ka sa tulog at pagkain." Pinaliwag ni Mayang na agad siyang tumawag kay Mama ng mahimatay ako. Agad naman na iniwan ni Mama sina Papa sa opisina niya at pumunta sa akin, hinyaan ng aking ama na bantayan ako rito pero nasa labas pa rin ng aking kwarto ang kaniyang tauhan. Bawal nga

