ADELINE Dear Ate Addie, How are you? Sana po sa oras na mabasa mo ang sulat na ito ay nasa mabuti kang kalagayan. Sa hinaharap po ng pamilya mo ngayon, mas mainam po na pahupain mo muna ang sitwasyon upang magkaroon ng kapayapaan ang iyong buhay. Alam po namin na matibay ang iyong loob ate Addie kaya huwag ka sanang sumuko, papasaan ba at malampasan din ninyo ito. Nalulungkot po kami sa sitwasyon ninyo ni kuya Elias ngunit alam namin na pagsubok lang ito sa inyong relasyon, kaya manatili po kayong matatag para sa isa't isa. Sa ngayon po, ipagpanatag mo ang iyong loob dahil nasa mabuting kalagayan si kuya Elias at tanging ang kanyang paggising na lang ang hinihintay po namin upang tuluyan na siyang gumaling. Kung sa kanyang mga sugat at bali-baling mga buto na natamo po, patuloy ang pagg

