ADELINE Hawak kamay kaming pumasok ni Elias sa isang maganda at pang mayaman na condominium dito sa Dubai. Mabilis kaming sinalubong ng Pinoy na valet at binati. Tuwang-tuwa ito na malamng Pilipino kami at personal na sinamahan papunta sa restaurant ng condominium. Siya rin ang nagtanong sa hostess ng restaurant kung saan ang mesa ng ama ni Elias. Ramdam ko ang nerbyos na nagmumula sa katawan ni Elias kaya masuyo kong pinisil ang kanyang kamay. Malayo pa lang tanaw ko ang dalawang mag-ama sa mesa na nakareserba kina Elias at kanyang ama. Hindi ako nagtaka na magkapatid si Elias at ang isa. Nagpasalamat kami sa Pinoy na naghatid sa amin at hinarap ang biological father brother ni Elias. "You really look like me, Elias." Agad na sabi ng ama ni Elias nung tinitigan niya ang asawa ko.

