WARNING SPG AHEAD ADELINE Naramdaman ko ang mumunting halik sa aking sinapupunan at mga haplos sa aking katawan bago pa man ako nagising ng tuluyan. Inaantok na binuksan ko ang aking mga mata at tiningnan ang ginagawa ng aking asawa. Madilim pa ang loob ng kwarto at tanging lampshade lang ang nagbibigay ng liwanag. Mukhang maaga pa dahil kahit makapal ang kurtina ng floor-to-ceiling glass wall ng aming condo tumatagos pa rin ang liwanag. Bumalik ang aking tingin sa gumising sa akin, na patuloy na hinahalikan ang aking sinapupunan. "Good morning, love!" bati ni Elias mula sa gitna ng aking katawan at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. "Good morning, langga!" inaantok na bati ko sa kanya sabay haplos ng kanyang buhok. Unti-unting binubuhay ni Elias ang apoy sa aking katawan. "Maaga k

