ELIAS Pagtataka. Ito ang unang reaksyon ko ng makita ko ang kwarto kung saan ako ngayon. Nay nakakabit na heart monitor at IV sa aking katawan. Hospital? Bakit? Anong nangyari sa akin? Bigla lumakas ang t***k ng aking dibdib na hindi ko maintindihan. Halos habulin ko ang aking hininga sa lakas ng t***k nito. Pilit kong inalala ang huling nangyari sa akin ngunit wala akong matandaan. Biglang kumirot ang akong isipan nang pilitin ko ito. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa. May kung anong pumipigil sa akin. Lalo akong nagtaka. Sinubukan kong tingnan kung may kasama ako rito sa kwarto ngunit wala akong nakita. Tanging ako lang ang mag-isa dito. Muli kong sinubukan na isipin ang mga nangyari sa akin ngunit talagang sumasakit ang aking isipan. "I will not do that if I were you,

