ELIAS "Good morning, Elias! How are you?" Napalingon ako sa bumati sa akin at ngumiti nang makita ko sa Emelda na papasok sa kwarto ko, na may dalang tray ng pagkain at gamot. Ini-mute ko muna ang volume ng television saka siya hinarap ng tuluyan. Nagulat ito sa pwesto ko. "Good morning, nurse Em! Ok lang naman ako. Nagising ako kanina at nagawa ko ng pagalawin ang ibang parte ng katawan ko." Wala pa namang kalahating oras akong nagising at sinubukan kong gumalaw. The numbness of my body is gone, naramdaman ko na ang pagdaloy ng mga dugo sa aking katawan at mga kalamnan ko na parang ang higpit ng pagkadikit. Nang magalaw ko ang aking mga braso, I adjust the position of my bed para ako makaupo at ini-off ang lampshade. Kinuha ko rin ang remote ng mga appliances dito sa kwarto para pal

