ELIAS Panay ang sulyap ko sa bungad ng restaurant ngunit matapos lang kami sa pagkain, walang Maddie at Gaspar na dumating. "She's not here." Addie said when she realize na matapos lang kaming kumain hindi niya nakita ang kanyang kapatid. Napatango na lang ako at tumawag ng waiter para bayaran ang aming kinain. Nagpaalam kami kina Linton at Mika ng binalik ng waiter ang aking credit card. Oras na para magpahinga na rin kami sa aming matutuluyan dito. Babalik na lang kami ulit para ipagpatuloy ito. Alam kong hindi matatahimik si Addie hanggat hindi niya malaman kung ano nga ba ang totoo. Nakaakbay ako kay Addie habang palabas kami ng restaurant. Saktong papaliko kami papuntang entrance ng hotel nang may namataan ako sa di kalayuan at papalapit sa aming pwesto, at hindi ako magkakamali s

