Chapter 82

1855 Words

ADELINE "Ate Addie, kahit magaling akong magpinta, hindi ko maipinta ang mukha mo," komento sa akin ni Mayang habang natingin sa salamin. Relax na relax itong nakaupo sa divan na nasa paanan ng aking kama. Lalo naman ako nakasimangot sa aking narinig. Naalala ko na naman kasi ang sinabi ni Papa. Halos gusto niya na pakasalan ko agad ang lalaking gusto niyang kilalanin ngayon, dahil sa mga karangalan nito sa mundo ng pagnenegosyo at kung gaano ito makatulong pa lalo para makilala ang aming kompanya kapag pumayag ako sa kagustuhan niya. Hindi man nito derektahang sinasabi ngunit alam kong ito ang gusto niyang ipahiwatig. "Sus, Mayang. Anong marunong magpinta ka dyan. Ang alam mo naman ilagay sa canvas ay abstract eh. Kung mukha naman ang ipinta mo kailangan mo ng salamin na malaki ang gr

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD