ADELINE Tuwang-tuwa si Kuya Noor habang nakikipagharutan kay Tita Beatrice. Yup. My old maid tita is smiling widely because of my son. Halos siya na ang nag-aalaga sa aking panganay na anak mula ng magbakasyon kami rito sa Hacienda Madrigal mula pa noong isang linggo. Matapos kong manganak sa triplets, limang buwan na ang nakalipas. At ngayong araw ang ay ika-dalawang taon na ni Kuya Noor. Dito idinaos ang kanyang ikalawang taong kaarawan sa hacienda upang makabawi ang aking mga pamilya at kaibigan na hindi nakadalo noong first birthday niya. Kasama din namin sina Nanay Lucing, Tatay Ambo, Tiya Lita, Tina at dalawang pinsan na binatilyo ni Elias na pumunta dito.. Nagpaiwan si Uncle Jerry upang magbantay ng bukid at ng may tao sa compound. "Mukhang si Kuya Noor ang paboritong apo ni

