ADELINE Paroot at parito kami ni Elias upang pasalamatan ang mga bisita na dumating sa binyag ng aming anak. Narito kami ngayon sa isang sikat na beach resort sa bayan nina Elias. Pinili namin sa tabing dagat ang reception dahil sa ganda ng klima at para sariwa ang hangin. Nagbayad talaga kami ng mahal para mapaayos ang resort dahil dumating sina Baba Hassan, Amir at ilang binatang pinsan ni Elias na gusto siyang makilala at makapunta sa Pilipinas. Hindi din naman sila nagsisisi dahil maganda ang Pilipinas at ginala sila ni Elias at uncle Jerry sa magagandang lugar dito sa Iloilo. Nagrequest pa talaga kami ng chef para lang sa kanilang pagkain habang dito sila sa amin nakatira bilang respeto ng kanilang relihiyon at kultura, na ikinatuwa nina Baba Hassan. "Ma'am Addie nakahanda na po an

