FORTH POV MAHINA kong tinapik-tapik ang pisngi ni Alexa. Nakatulog ito sa balikat kong hindi niya namamalayan. "Alexa! Alexa," tawag ko sa pangalan niya. Pupungas-pungas itong dumilat. "Nasa Siargao na tayo," sabi ko sa kaniya. Mabilis itong umayos ng upo, napatingin sa labas ng bintana. "Nasa Siargao na nga tayo!" mangha niyang bulas. Kitang-kita ko kung gaano kasaya ang mga mata niya. Bagamat wala pa naman kami sa Isla. Alam ko kung gaano na kasaya si Alexa. "Akala mo ba nananaginip ka lang?" "Napakaganda!" sambit niya. Napakunot-nuo ako kay Alexa, nagtataka at wala pa naman espesyal sa lugar kong nasaan kami ngayon. Tanging eroplano palang naman ang nakikita ko sa tabi namin kakababa lang din siguro nito. "There is nothing especial there. Ano'ng maganda?" hindi ko napigilang

