CHAPTER 67 POINT OF VIEW [ ALEXA GOMEZ ] SAYA ang nararamdaman ngayon ng puso ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Chelsea. Akala ko hindi magiging madali ang lahat, pero kasalungat pala ito sa inaasahan ko. Hinarap ako ng maayos ni Chelsea, at sa lahat ng hindi ko inaasahan mula rito ay ang ipaubaya niya sa akin si Forth. Binuksan ko ang component ko sa tabi ng TV. Pinakinggan ko ang kanta ni Forth noong nagsisimula pa lamang siya sa banda nila. Alipin ng nakaraan Naaalala ko pa, ang ngiti mo. Bigla-bigla na lamang sumasagi sa isip ko ito. Nasaan ka na ba? Bakit hindi kita makita. Naaalala ko pa, ang sayang nakita sa mata mo. Tila kahapon lang ito. Ikaw ang unang halik, sa ala-ala ko nakaukit. Minahal ka ng hindi sadya, puso ko'y naging tapat. Kung magmamahal man, ikaw pa

