CHAPTER 68 POINT OF VIEW ALEXA GOMEZ NANDITO na kami sa Glorietta kong saan ko balak magsimba. Hindi pa rin binibitiwan ni Forth ang kamay ko nanatili pa ring magkadaup-palad ang kamay namin sa isa't isa. Parang ang sarap lang damhin na ang pinapangarap mo noon malaya mo ng kahawak-kamay ngayon. Wala man kaming pormalidad na dalawa, alam ko ang mga puso namin ay mayroon ng ugnayan sa isa't isa noon pa man. At hindi na ito kailan man magbabago pa. Mahal ako ni Forth at alam niyang noon pa man mayroon na akong damdamin sa kaniyang hindi ko nagawang kalimutan kailanman. "After church, ano ang gusto mong gawin, Alexa?" malambing nitong tanong sa akin. Wala naman talaga akong plano ngayong gabing 'to. Maliban lang sa magsimba at magpasalamat sa poong maykapal na naging maayos ang lahat;

