ALEXA's POV - DATE "CLOSE your eyes ha," bulong sa akin ni Forth, habang tinatakpan niya ng kamay ang mga mata ko. Naramdaman ko ang siyang pagbukas ng isang pinto, alam kong hindi kami lumayo sa hotel na ito dahil umakyat lang naman kami kanina at kung saang bahagi kami iyon lang ang hindi ko alam dahil sa ginagawang pagpiring sa kin ni Forth. "You can open your eyes now, Ava." Kumurap-kurap kong binuksan ang mga mata ko. Inikot ko ang tingin ko sa paligid sa hindi ko inaasahang makikita ko. Nandito kami sa rooftop kong saan nakapalibot ang maliwanag na ilaw na nagmumula sa maliliit na lampball sa sahig, nakakalat din ang ilang petals mula sa kinatatayuan namin hanggang sa mesang may nakasinding kandila sa ilalim ng isang di kalakihang tent na sinadya pang ilagay, amoy na amoy ko ang

