ALEXA's POV NAGKASYA kaming pagmasdan ni Ziggy ang maliwanag na buwan at kumikinang na mga bituin sa kalawakan, habang ang mga kaway namin ay hindi na mapaghiwalay. "Masaya ka ba?" "Kahit wala ang lahat ng 'to masaya ako, Forth," totoong tugon ko sa kaniya. "Iyon lang naman ang mahalaga para sa akin, Alexa. Ang maging masaya ka." "Salamat, Forth. Hindi lang sa pagkakataong 'to, pero gusto ko pasalamatan ka sa lahat ng binibigay mo, lalo na sa pagmamahal na pinaparamdam mo sa akin." "Dahil 'yan ang totoong nararamdaman ko para sa'yo, mahal na mahal kita, Lexie." Sumandal ako sa balikat niya nang maramdaman ko ang luhang namumuo sa mga mata ko. "Ito ang simula ng lahat at hindi ko hahayaang matapos, Mahal," anito. Napapikit ako kasabay ng tuluyang pagbagsakan ng butil ng mga luha

